HAPPY MOTHERS DAY

MALIGAYANG ARAW ng mga INA

Sa araw na ito ay ipinagdiriwang sa maraming mga bansa sa buong mundo ang Araw ng mga Ina o Mothers Day. Isa rin ang Pilipinas na ipinagdiriwang ito tuwing ikalawang Linggo ng Mayo.

Napaka-espesyal ng araw na ito para sa ating lahat dahil ito ang araw kung saan pinararangalan natin an isang tao na lubha nating minamahal. Ang taong may 24 hours na trabaho na kahit tayo ay malalaki na ay nandun pa din ang kanilang pagkalinga.

Kaya sa posting kong ito, hayaan nyong parangalan ko ang 3 Ina na mahalaga sa aking buhay.

Una ang aking Inang Lina. Namayapa na ang aking Inang. December 23, 2000 nang siya ay sumama na sa kanyang manlilikha. Aaminin ko hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang sakit at pangungulila sa kanyang pag-yao.

Lagi ko siyang nakikita sa aking mga panaginip. Sabi nga ng mga kapatid ko, buti pa daw ako at dinadalaw ng Inang. Alam ko kahit wala na siya lagi pa rin niya akong ginabayan sa aking buhay may pamilya. I miss you Inang....


Pangalawa ang aking asawang si Jolly na Ina ng aking mga anak na si Jake, James at Anton. Sa labing-tatlong taon nang aming pagsasama at pag-aalaga niya sa akin at sa aming mga anak, masasabi kong isa siyang tunay na Ina. Hindi naman siguro lalaking mababait at hindi pasaway ang aming mga anak kung hindi tama ang kanyang pagpapalaki.


To Mommy Jolly, I thank God for giving you to be the mother of my children. Hindi naman siguro lalaki silang mabubuting tao kung hindi dahil sa iyo.


I love you Mommy....thank you...thank you...thank you




And lastly, syempre ang Ina ng aking mahal na asawa na si Inay Elo. Kung hindi dahil sa kanya syempre ay wala akong magiging asawa at magagandang mga anak. hehehe


Salamat din sa iyong pagtitiwala ng hingin ko sa iyo ang kamay ng iyong anak para maging aking asawa at ina ng aking mga anak.


Dalangin ko na makasama ka pa namin ng iyong anak at mga apo ng mahaba pang panahon.


At sa lahat ng mga Ina, ang aking pagbati sa inyong dakilang pagmamahal.


Mabuhay kayong lahat!!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy