LUMPIANG SINGKAMAS
Nung Holy week ko talaga balak na magluto nitong lupiang singkamas. Pero sa hindi ko maalalang kadahilanan ay nitong nakaraang Linggo ko lang ito nagawa. Ito ang gulay na itinerno ko sa ulam naming breaded liempo.
Madali lang itong gawin o lutuin. Walang masyadong kung ano-anong sangkap. Ang nakakatuwa dito ay nagustuhan talaga ito ng aking biyenan na si Inay Elo. Naka-dalawa at kalhati siya nito ng siya ay kumain. Naipangako ko tuloy na gagawa ulit ako nito sa pag-dalaw ulit namin sa kanya.
LUMPIANG SINGKAMAS
Mga Sangkap:
250 grams Giniling na Baboy
2 pcs. Large Singkamas (hiwain na parang match sticks)1 large Carrot (hiwain din na parang match sticks)
1 cup Hipon (alisin ang ulo at balat)
1/2 cup chopped Kinchay
1 large chopped onion
1 tbsp. Oyster Sauce
5 cloves minced Garlic
25 pcs. Lumpia Wrapper
salt and pepper to taste
Para sa sauce ng lumpia:
3 tbsp. Cornstarch
5 cloves minced garlic
1/2 cup Soy Sauce
3 cups Water
1/2 cup Brown Sugar
1 tsp. Salt
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
2. Sunod na ilagay ang giniling na baboy at hipon.
3. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin at hayaang maluto ang giniling na baboy.
4. Ilagay na ang carrots at singkamas. Haluin. Ilagay na din ang Oyster sauce. Huwag i-overcook ang singkamas para crunchy pa din ito
5. Palamigin muna bago balutin ng lumpia wrapper.
6. For the sauce, paghaluin lamang ang lahat ng sangkap at isalang sa kalan.
7. Halu-haluin hanggang sa maluto ang sauce.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaring dagdagan pa ng asin o asukal.
Ihain ang lumpiang singkamas kasama ang ginawang sauce.
Enjoy!!!
Note: Maari ding lagyan ng dinigdig na mani at bawang ang ibabaw ng lumpia.
Comments
Thanks po ulit!