MOTHERS DAY DINNER @ PIADINA

First time ko pa lang mag-feature ng isang retaurant sa food blog kong ito. Uunahan ko na kayo ha, hindi ito paid advertisement ng lugar o may napala ako para lang isulat ang restaurant na ito. May mga nabasa din ako na binabayaran yung food blogger para mag-sulat ng favorable review para dun sa restaurant in exchange ng mga freebies or cash.

But anyways, gusto ko lang i-share sa inyo ang naging mothers day dinner namin ng aking asawa last mothers day. Every year naman ay sine-celebrate namin ang araw na ito kahit papaano.

Wala namang plan kung ano ang gagawin o kung saan kakain. Basta that day, sinundo ko siya sa clinic niya sa Makati kahit galing pa ako ng Batangas para dalawin naman ang aming mga kids.

Bumili din pala ako ng flowers para sa kanya na nagustuhan naman talaga niya. After ng work niya ay nag-dinner kami. Hindi namin alam kung saan kami kakain. Medyo busog pa naman daw siya. Sinubukan naming sa La Piadina sa 2nd floor ng Glorietta kumain ng aming dinner. Italian retaurant siya.

Light and healthy food ang in-order namin. Una na dito ang La Panzanella Con Verdure. Fresh green salad siya na may sahog na iba pang gulay at may konting tuna flakes. Masarap naman.

Next ay itong La Piadina Pollo. Fitta bread ito na may lettuce at chicken sa loob. Ang nagustuhan ko dito ay ang tomato soup na kasama. Masarap siya. Creamy at malasa. Sabi ko sa asawa ko na gagayahin ko ang soup na ito.

Ang last naman ay ito Pizza Margherita. Ito ang in-order kasi napanood ko the previous night yung special feature ng Jesica Soho Report about Europe at ito ngang pizza na ito ang isa sa pinalabas nila. Masarap ang pizza kahit sauce, cheese at basil lang ang toppings ito.

Well, kahit hindi kami nakapunta ng Italy for that special day, naka-tikim naman kami kahit papaano ng lasa ng Italya.

Less than 1k ang bill na binayaran ko. Masasabing kong sulit na ito para sa dalawang tao at sa sarap ng pagkain na aming natikman.

Umalis kami sa restaurant na yun ng busog at may take-home pa na pizza. hehehehe

Kung ire-recommend ko ang La Piadina? Oo naman. Kung gusto ninyong makatikim ng Italian Cuisine kahit nandito sa Pinas, Try nyo La Piadina.

Till next...

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy