PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with MUSHROOM GRAVY



Isa na namang masarap at simpleng dish ang hatid ko inyong lahat. Actually, inspiration ko ang isang fastfood restaurant sa Glorietta 4 sa Makati ng lutuin ko ang simple dish na ito.


Ang maganda sa dish na ito, pwede mo siyang lagyan o gamitan ng ibat-ibang klase ng sauce, depende sa lasa na gusto mo. Pe-pwedeng barbeque sauce o kaya naman ay simpleng gravy. Pwede din na parang sweet and sour sauce o kaya naman simpleng lechon sauce.


As expected nagustuhan ng asawa ko ang dish na ito. Try nyo din.



PAN-GRILLED CHICKEN FILLET with MUSHROOM GRAVY SAUCE

Mga Sangkap:
3 pcs. Whole Chicken Breast Fillet cut into half
4 pcs. Calamansi
1 tbsp. Olive oil
salt and pepper to taste
For the Gravy:
1 pack Instant Gravy mix or you can make your own
1 small can Sliced Mushroom (reserve yung water)
2 tbsp. Butter
Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang chicken mallet, pitpitin ang manok hanggang numipis ng kaunti. Ilatag ito sa isang pandehado o tray.
2. Timplahan ito ng asin at paminta. Pigaan din ang lahat na piraso ng katas ng calamansi. Hayaan ng mga 30 minuto.
3. Sa isang non-stick na square pan i-pan-grill ang manok sa kaunting olive oil. Lutuin ang magkabilang bahagi. Hanguin sa iang lalagyan.
4. Sa isang sauce pan, ilagay ang butter at isunod na agad ang sliced button mushroom. Hayaan ng mga ilang sandali.
5. Ilagay na ang tubig na galing sa lata ng mushroom at ang gravy mix na tinunaw sa tubig.
6. Halu-haluin hanggang sa lumapot ang sauce. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
7. Timplahan ng asin at paminta ayos sa inyong panlasa.
8. Ibuhos ang gravy sa ibabaw ng nilutong breast fillet.

Ihain habang mainit pa.


Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy