PANCIT PALABOK / LUGLOG


Kagaya ng aking naipangako, narito ang recipe ng aking nilutong pancit palabok o luglog na aking inihanda sa aming padasal sa lugar ng aking asawa sa Lapo-lapo 2nd, San Jose, Batangas nitong nakaraang Mayo 1, 2011.

Pero bago ako magpatuloy, marami kasi ang nagtatanong kung ano ang pagkakaiba ng pancit palabok sa pancit luglog. Isama mo pa ang pancit Malabon. Ang sagot? Hindi ko din alam. Check na lang natin sa Google. hehehehe.

Halos wala kasi itong mga pagkakaiba. Marahil ay sa mga sahog na ginagamit o kaya naman ay sa paraan ng pagluluto o paghahanda nito. Ang pancit palabok sa tingin ko kaya ito ang tawag sa kanya ay dahil sa dami ng sahog o toppings (palabok) na nakalagay sa ibabaw ng noodles.

Sa pancit luglog naman kung tinawag na luglog ito ay dahil sa noodles na ginagamit dito. Kapag inihahain kasi ito, inilalagay muna ang noodles sa isang parang basket na may mahabang tangkay at saka inilulubog sa kumukulong tubig para maluto. Iluluglog ito (shake) pagkahango sa kumukulong tubig para maalis ang excess na tubig. Luglog means to shake. Yan ang pagkalam ko sa amin sa Bulacan.

Pero kahit ano pa ang tawag dito, isa lang ang word na masasabi ko. MASARAP. Ang pinaka-susi sa sarap g pancit na ito ay nasa sauce. Dagdag na lang siguro ang dami ng topping na inyong ilalagay. At huwag kalimutan ang calamansi. Isa din ito sa nagpapasarap dito.


PANCIT PALABOK / LUGLOG

Mga Sangkap:
1 kilo Rice Noodles o Bihon na pang pancit luglog (ito yung medyo matataba ang noodles)
500 grams Giniling na Baboy
2 pcs. Tokwa (mashed)
150 grams medium size na Hipon (alisin yung ulo at digdikin na pinong-pino. Yung katawan naman ay asinan at i-steam)
1 cup Bread Crambs
1/2 cup Achuete Oil
3 cups Sabaw na pinaglagaan ng baboy o 2 pcs. Knorr pork cubes. pwede din ang knorr shrimp cubes.
Patis to taste
1 head Minced Garlic
1 large Onion chopped
salt and pepper to taste

Para sa toppings:
Chicharong baboy (chopped)
Hipon
3 cups Hinimay na Tinapa
5 pcs. hard Boiled Egg
Onion leaves chopped
Kinchay chopped

Paraan ng pagluluto:
1. Ibabad muna ang bihon o rice noodles para lumambot. Ilubog ito sa kumukulong tubig hanggang sa maluto. I-drain ang excess na tubig. Set aside.
2. Sa isang sauce pan o kaserola, i-prito muna ang bawang hanggang sa mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Patuloy na igisa ang sibuyas. Ilagay na din ang mashed na tokwa, dinikdik na ulo ng hipon at giniling na baboy. Timplahan na din ng asin at paminta. Hayaan muna hanggang sa mawala ang pagka-pink na kulay ng giniling.
4. Ilagay na ang achuete oil at patis. Hayaang kumulo.
5. Ilagay na ang bread crambs para lumapot ang sauce at kalhati ng hinimay na tinapa. Maaring lagyan ng sabaw ng pinaglagaan ng karne kung kinakailangan pa.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ibuhos ito sa nilutong bihon. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ang lahat ng noodles ng sauce.
8. Ilagay sa isang bilao at ilagay sa ibabaw ang mga toppings kagaya ng chicharon, hipon, toasted garlic, kinchay, onion leaves at hiniwang nilagang itlog.

Ihain na may kasamang patis at calamansi.

Enjoy!!!!

Note: Maaari ding ihain ito na naka-hiwalay ang sauce at mga toppings Bahala na ang kakain kung gaano karaming sauce at toppings ang gusto nila. TY

Comments

J said…
Kuya ang Pancit Palabok ay maninipis ang noodles. Ang luglog ay yung matatabang noodles.
Dennis said…
Kahit ano pa yun J...pare-pareho lang din yan...hehehe
Unknown said…
Salamat po kuya Dennis sa pagshare ng recipe. Nasarapan po ang asawa't mga sister ko. God bless po...
Dennis said…
Thanks Chris....I hope you continue supporting my blog.

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy