PANCIT SOTANGHON GUISADO
Kagaya ng naipangako ko, narito ang recipe ng Pancit Sotanghon Guisado na aking inihanda para sa aking Inay Elo nitong nakaraang Mothers Day.
Pare-pareho lang naman halos ang mga sangkap at pamamaraan ng pagluluto ng pancit. Ofcourse, mas marami sahog o sangkap, mas nagigi itong espesyal. Pero hindi palaging masarap ang pancit na maraming sahog. Minsan kasi parang halo-halo na ito at hindi mo na malasahan ang pagkakahalo ng mga sangkap.
Sa version kong ito, wala itong masyadong sangkap. Pero isa lang ang masasabi ko, masarap ito at nagusatuhan talaga ng mga kumain.
Sa pagluluto ng pancit, importante ang sabaw na gagamitin na pampalasa dito. Ito yung nagpapasarap at nagpapalasa sa tasteless na bihon. At syempre naman, masarap ang pancit kung kakainin mo ito ng bagong luto. Talagang mapaparami ka ng kain lalo na kung may patis at calamansi na kasama. Samahan mo na din ng mainit na pandesal o toasted bread. Para makumpleto na din, samahan mo na nang malamig na Coke. hehehehe
PANCIT SOTANGHON GUISADO
Mga Sangkap:
1 kilo Sotanghon Noodles
2 whole Chicken Breast
300 grams Chicharo
1 large Carrot (hiwain na parang match sticks)
1 medium size Repolyo
3 tbsp. Canola oil
1/2 cup Soy Sauce
1/4 cup Oyster Sauce
1 tsp. maggie magic Sarap
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion sliced
slat and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Ibabad ang sotanghon noodles sa isang lalagyang may tubig. Hayaang lumambot.
2. Sa isang kaserola, pakuluan ang pitso ng manok sa tubig na may asin and sibuyas ng mga 30 minuto o hanggang sa maluto ang manok. Palamigin ang manok, itabi ang sabaw na pinaglagaan at himayin ang laman ng manok sa nais na laki.
3. Sa isang may kalakihang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Halu-haluin.
4. Sunod na ilagay ang carrots, chicharo at kalhati ng hiniwang repolyo. Halu-haluin.
5. Isunod na din ilagay ang hinimay na manok at timplahan ng konting asin at paminta. Hayaan maluto ang mga gulay. Huwag i-overcooked.
6. Hanguin ang kalhati ng ginisang manok at gulay para pang-toppings.
7. Ilagay ang sabaw na pinaglagaan ng manok. Tantyahin na lang ang dami ng sabaw na ilalagay.
8. Ilagay na din ang toyo. Timplahan pa ng asin, paminta at maggie maggic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa ng sabaw.
9. Kapag kumukulo na ang sabaw ilagay na ang sotanghon noodles. Haluing mabuti para maikalat ang mga sahog at sabaw na magpapalasa sa noodles. Maaring bawasan ang sabaw kun g sa tingin nyo ay sobra na ito.
10. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang pang-toppings na hinango.
Ihain na may kasamang calamansi at patis kung nais.
Enjoy!!!!
Comments
visiting via FTF:
http://1716south.com/2011/05/sidcor-sunday-market/