PENNE PASTA with SPANISH SARDINES & CHUNKY TOMATO SAUCE


Dalawa lang kami ng asawa kong si Jolly sa bahay. Nasa Batangas na sa aking biyenan ang tatlo kong anak for their summer vacation. Actually nung last week of April pa sila nandun. Kaya naman madalas bumubili na lang kami ng lutong ulam para pagkain naming mag-asawa. But ofcourse kung may pagkakataon naman ay nagluluto din ako para pagkain namin at pambaon na din.


PENNE PASTA with SPANISH SARDINES & CHUNKY TOMATO SAUCE

Mga Sangkap:

250 grams Penne Pasta cooked according to package direction

2 cups Spanish Sardines

2 cups Clara Ole Chunky Tomato and 3 cheese Sauce

5 cloves Garlic minced

1 large Onion chopped

2 tbsp. Olive oil

1/2 cup Grated Cheese

salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Lutuin ang pasta ayon sa nasa package direction.

2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.

3. Sunod na ilagay ang tomato sauce at hayaan ng mga 2 minuto.

4. Ilagay na din ang spanish sardines at timplahan ng asin at paminta. Hayaan ng mga 2 minuto pa.

5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

6. Ilagay na ang nilutong penne pasta at haluin mabuti hanggang sa ma-coat ang lahat ng pasta ng sauce.

7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng grated cheese sa ibabaw.

Ihain na may kasamang garlic bread o mainit na pandesal.

Enjoy!!!!

Note: Naubusan ako ng cheese sa bahay kaya ang ginamit ko to garnish ay itong sliced cheese na inilalagay sa hamburger. Hiniwa ko na lang na parang match sticks. hehehe. TY

Comments

i♥pinkc00kies said…
wow! :D must try :D
Dennis said…
Oo nga pinkcookies. This is a must try pasta dish. Kahit ako nasarapan. Wala yung lansa factor ng sardines.

Thanks for visiting.... :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy