POQUI-POQUI: Lutong Ilokano
Hehehe....Huwag kayong magulat o magtaka, iyan talaga ang tawag sa dish na feature ko for today. Hehehehe
Lutong Ilokano ito na nabasa ko lang sa isa pang food blog. Pero para makasigurado ay nag-check din ako sa Google para makuha ang tunay na mga sangkap ng dish na ito.
Napaka-dali lang nitong gawin. Siguro ang mahirap lang ay yung pag-iihaw ng talong. Yes. dapat iihaw yung talong para makuha yung smokey flavor ng inihaw. Although pwede din naman na i-prito o kaya naman ay i-microwave.
Hindi ko alam kung saan nakuha ng mga Ilokano ang tawag sa dish na ito. Parang ang bastos di ba? hehehe.....Pero ang masasabi ko lang ay talagang masarap ito. Masarap ito na side dish sa mga prtong ulam kagaya ng isda , manok o baboy man. lalo kang gaganahang kumain sa side dish na ito.
POQUI-POQUI: Lutong Ilokano
Mga Sangkap:
4 pcs. medium size Talong3 pcs. Tomatoes (cut into small cubes)
1 pc. large Onion Sliced
5 cloves Minced Garlic
2 tbsp. Canola oil
3 pcs. Egg beaten
Salt and pepper to taste
Liquid Seasoning (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. I-ihaw ang talong hanggang sa maluto at madali nang naggalin ang balat.
2. Hiwain ito ng mga 1/4 inch ang laki.
3. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika. Halu-haluin.
4. Ilagay na ang hiniwang inihaw na talong at timplahan ng asin at paminta. Hayaan ng mga 2 minuto.
5. I-spread sa buong kawali ang ginisang mga sangkap at saka ilagay ang binating itlog. Hayaan muna na ma-set ng kaunti at saka haluin.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Taktakan ng liquid seasoning at saka hanguin sa isang lalagyan.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
hope you can drop by my Cupcakes Galore
Beach Menu
have a blastful weekend, and hope you check out my entry here too.
Food and Passion
I Love Darly!
Dennis