PORK LIVER ADOBO



Paborito ko ang adobo o kaya naman ay bistek na atay ng baboy. Kahit bawal ito sa akin, ay hindi ko pa rin maiiwasan na tumukim nito lalo na kung ito ang aming ulam. Masarap kasi at malasa talaga ang laman.


Kaya naman nitong huli kong pamimili sa palengke ng San Jose Batangas, hindi ko napigilang bumili kahit 1/2 kilo lang nang sariwang atay ng baboy. Kita mo na sariwa talaga ito dahil sa kulay at amoy nito. Adobo kaagad ang naisip ko na gawing luto dito na ala pobre ang dating.


PORK LIVER ADOBO

Mga Sangkap:
500 grams Pork Liver (cut into cubes)
1/3 cup Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
1 head Minced Garlic
1/2 tsp. Freshly ground pepper
2 tbsp. Canola oil
Salt and Sugar to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa mantika hanggang mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isng lalagyan.
2. I-prito ang atay ng baboy hanggang mawala ang pagkapula nito. Halu-haluin
3. Ilagay ang suka at toyo. Timplahan na din ng konting asin, asukal at paminta. Huwag munang haluin.
4. Hayaang kumulo hanggang kumonte na lang ang sauce. Huwag i-overcoked para hindi tumigas ang atay.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Tata Echo said…
sir Dennis..

ang sarap naman nito..favorite yan ng kids ko...


may i request to repost your food blog.

of course, credit goes to you.

salamat po..
Dennis said…
Tata Echo....Ok lang...basta i-recognize mo lang ako dun sa posting mo.

Ano pala ang link sa blog mo?
Tata Echo said…
eto yung blog ko http://rickyfrancisco.blogspot.com/

salamat na marami

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy