ROASTED then BRAISED PORK HOCK

Natatandaan nyo ba yung posting ko about braised and roasted pork ribs? Kabaligtaran naman ang ginawa ko sa pork hock na nabili ko nitong isang araw. May nabasa din kasi ako na ganun ang ginawa kaya sinubukan ko din.

Parang Pata Tim ang dating at lasa nito but ofcourse medyo naiba na lang dahil sa mga sangkap na pampalasa na ginamit ko.

Okay naman. Nakapagbaon nito ang akibng asawa at nasarapan naman ang mga officemate niya na naka-tikim.


ROASTED then BRAISED PORK HOCK

Mga Sangkap:

1 pcs. Pork Hock o pata ng baboy

1 cup Hoisin Sauce

1 cup Soy Sauce

1 tbsp. Black Bean Sauce

2 pcs. Dried Laurel leaves

1 cup Brown Sugar

1 head Garlic

1 tsp. Ground Black pepper

1 tsp. Cornstarch

a bunch of Chinese Pechay or Bok choy (i-blanch)

Salt to taste


Paraan ng Pagluluto:

1. Timplahan ng asin at paminta ang pata ng baboy (pork hock). Hayaan ng mga 30 minuto.

2. Lutuin ito sa oven o sa turbo broiler sa init na 300 degrees ng mga 45 na minuto o hanggang sa pumula ang balat.

3. Isalin ang nilutong pata sa isang kaserola at ilagay toyo, hoisin sauce, black bean sauce, paminta, bawang at mga 5 tasang tubig. Dapat nakalubog ang kalhati ng pata sa sauce.

4. Pakuluan ito hanggang sa kumonte na lang ang sabaw. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.

5. Ilagay ang brown sugar. Tikman at i-adjust ang lasa.

6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa paligid ang bok choy na niluto at ibuhos ang natitirang sauce sa karne.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Pork Hock pala ang ingles ng crispy pata... pag nakakita ako sa grocery store, bili ako hehe.
Dennis said…
Mali naman J....hehehe. Crispy pata is a dish. Ang Pork hock naman ay parte ng baboy. Ito yung upper part ng pata na ginagawang crispy pata. hehehehe. But you can use also pork leg sa dish na ito.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy