BEEF STEW in TANDUAY ICE
Na-try nyo na bang uminom ng Tanduay Ice? Hindi ko alam kung bagong product ito ng Tanduay pero nung matikman ko ito ay nagustuhan ko talaga. Para lang kasi siyang lemon juice pero after ng isang bote ramdam mo na ang tama. Kahit anag asawa kong si Jolly nagustuhan din niya ang drunks na ito.
Sa drinks na ito nabuo ang recipe ko for today. Noon ko pa talaga binalak na gamitin ang tanduay ice na ito sa aking mga niluluto. Hindi ko lang malaman pa kung saan. Kaya naman nung makabili ako ng 1 kilo ng mechado cut na baka ay ito agad ang naisipan kong gawin. Beef stew na pinalambot ang karne sa 1 boteng tanduay ice. Ang resulta? Isang masarap na beef na ulam.
Parang malapit siya sa caldereta pero ito kasi parang may tamis at anghang na konti. Basta ang masasabi ko lang, magluluto ulit ako nito. Masarap kaya. Hehehehe
BEEF STEW in TANDUAY ICE
Mga Sangkap:
1 kilo Beef cut into cubes
1 bottle Tanduay Ice
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Worcestershire Sauce
4 pcs. Tomatoes chopped
1 large Onion chopped
5 cloves minced Garlic
1 tsp. Chili powder (depende na lang sa anghang na gusto ninyo)
1 pc. carrot cut into cubes
1 large Potato cut into cubes
1 large Red/Green Bell pepper cut into cubes
salt and pepper to taste
2 tbsp. Olive or Canola oil
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang karne ng baka. Hayaan ng mga kalhating oras.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang karne ng baka sa olive oil hanggang sa pumula lang ng konti ang mga sides nito.
3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa cooking oil.
4. Ilagay ang piniritong baka at ibuhos ang 1 boteng tanduay ice, toyo at worcestershire sauce.
5. Lagyan na din ng 2 tasang tubig. Takpan at hayaang kumulo hanggang sa lumambot na ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
6. Kung malambot na ang karne, ilagay ang chili powder, patatas, carrot at red bell pepper. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
Actually, parang gumamit lang din ng wine for cooking. Sarap niyan!
Thanks J.