CHICKEN FILLET in PINEAPPLE SAUCE


My family loves chicken. Kahit ano sigurong luto ng manok ay siguradong patok sa aking pamilya. Ofcourse, fried chicken pa rin ang pinaka-paborito nila. Kaya naman para hindi maging boring ang aking fried chicken, sinasamahan ko ito ng ibat-ibang mga sauces. Click naman sa mga anak ko ang ganito. Kaya naman, patuloy pa din ang pagtuklas ko ng mga sauces na babagay sa masarap nang fried chicken.

Katulad nitong entry ko na ito for today. Pineapple tidbits ang ginamit ko na pang-sauce sa niluto kong fried chicken fillet. Para mas mag-mukha pang katakam-takam ito, nilagyan ko ng turmeric powder ang sauce para tumingkad ang pagka-dilaw nito.

Try it!


CHICKEN FILLET in PINEAPPLE SAUCE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Chicken thigh fillet (cut into serving pieces)
4 pcs. Calamansi
1 small can Pineapple Tidbits or Chunks (reserve syrup)
1 tsp. Cornstarch
1 tsp. Turmeric Powder
2 tbsp. White Sugar
3 cloves minced Garlic
1 medium size Onion sliced
1 thumb size Ginger sliced
1 cup All Purpose Flour
1 Egg beaten
2 tbsp. Butter
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt and pepper to taste
cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang chicken fillet ng asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga ilang oras. Overnight mas mainam.
2. Kung i-pi-priot na ang manok, i-drain muna ang natitirang marinade mix at saka ilagay ang binating itlog. Lamasing mabuti para ma-coat ng itlog ang lahat ng manok.
3. Ilagay ang manok sa isang plastic bag at saka ilagay ang harina. Alug-alugin mabuti ang manok na may harina hangang sa ma-coat ng harina ang lahat ng manok.
4. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Sa isang sauce pan, i-gisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
6. Ilagay ang pineapple tidbits kasama ang syrup nito.
7. Ilagay na din ang white sugar, asin at turmeric powder.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Huling ilagay ang tinunaw na harina para lumapot pa ang sauce. Maaring lagyan pa ng tubig para ma-adjust ang nais na lapot ng sauce.
10. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong chicken fillet.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

""rarejonRez"" said…
Wow! interesting recipe! Thanks for sharing po! :)


You might want to join me in my TAKE-OUT BUFFET as my first FTF entry! Hope to see you! :)
Dennis said…
Thanks ""rare*jonRez""....just visited you blog...nice ha....congratulation!


Dennis
Maricel said…
I did almost the same recipe pero instead of pineapples, orange naman ;) Masarap din with chicken! :)

Doing my hop from this week's FTF! Here's mine:

Breakfast for Dinner at The Food Encounters.
Dennis said…
Hi maricel....Yup...okay din pag mandarin oranges ang gagamitin na pang-sauce. Thanks for visiting....

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy