CHICKEN in TOMATO PESTO SPAGHETTI SAUCE


Sa mga working Mom at sa mga daddy na din na siyang nagluluto para sa pamilya, pabor na pabor ang mga naglalabasang mga instant food mixes. Kung baga, mix mix lang ay may malulutong ulam na kayo. Syempre naman iba pa rin yung pinaghirapan mo talaga. Pero kung talagang kapos ka na sa oras lalo na at late ka na nakauwi okay na okay ang mga instant food mixes na ito. Kung may extra cash ka naman, ofcourse food delivery naman ang sagot. Hehehehe.

Ako din gumagamit din ako ng mga food mixes na ito. At madalas din ay nag-e-experiment ako sa mga luto gamit ang mga ito. Oo naman may mga sablay din...hehehehe.

Kagaya nitong entry ko for today. Late na ako naka-uwi sa bahay dahil sa siksikan sa MRT at traffic sa daan. Habang nasa daan, iniisip ko na kung anong luto ang pwede kong gawin sa 1 buong manok na balak kong lutuin. Adobo ang pinakamadaling luto na pwedeng gawin. Kaya lang kaka-adobo lang namin nitong nakaraang Linggo. Kaya eto, with the help of an instant spaghetti sauce nabuo ang dish na ito. Try nyo din.

CHICKEN in TOMATO PESTO SPAGHETTI SAUCE

Mga Sangkap:

1 whole Chicken cut into serving pieces (adobo cut)
1 pouch Hunts Tomato Pesto Spaghetti Sauce
1 large Potato cut into cubes
1 large Onion sliced
5 cloves minced Garlic
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang manok at timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaan munang masangkutsa.
3. Ilagay ang patatas at tomato pesto spaghetti sauce. Haluin. Takpan at hayaang maluto ang manok.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Vanessa said…
mukha pong masarap :)
Dennis said…
@ Vanessa....Hindi lang mukha....hehehehe...masarap talaga. Try it also.

Regards,

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy