CREAM DORY with CREAMY CHEESY SAUCE
Hindi pa rin kami masyadong kumakain ng isda sa bahay. Hehehehe. Takot pa din sa fish kill. Ewan ko ba...parang pag kumakain ako ng isda...parang nalalasahan ko yung mga patay na isda na nakikita ko sa mga news sa tv. At isa pa, napakamahal ng mga isdang dagat na nabibili sa palengke ngayon. Marahil ay komo wala ngang masyadong bumibili ng bangus at tilapia na siyang masyadong naapektuhan ng fish kill na ito.
Ang ginawa ko na lang ay yung frozen na cream dory ang binili nang minsang mag-grocery ako sa SM sa Makati. Nung una, hindi ko maisip kung anong luto ang gagawin ko dito. Sa gusto ng asawa ko, pinirito ko na lang ito na may crispy breadings at gumawa ako ng white sauce. Sa totoo lang, panalo ang ang dish na ito lalo na ang sauce.
CREAM DORY with CREAMY CHEESY SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Cream Dory (cut into serving pieces)
1 pack Crispy Fry Breading Mix
1 cup All Purpose Flour
5 pcs. Calamansi
1/2 tsp. Ground Pepper
For the Sauce:
1/2 cup Butter
3 cloves Minced Garlic
1 medium size White Onion finely chopped
1 cup All Pupose Cream
1/2 cup grated Cheese
1/2 cup Evaporated Milk
1/2 tsp. Dried Basil
Salt and pepper to taste
1 tbsp. Cornstarch
1 tsp. Maggie magic Sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang isda sa katas ng calamansi at paminta. Hayaan ng mga 1 oras. Note: Kung hindi gagamit ng breading mix lagyan ito ng asin.
2. Sa isang plastic bag, ilagay ang isda, crispy fry breading mix at harina. Isara ang plastic at alug-alugin para ma-coat ng breading mix ang lahat ng isda.
3. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang maluto o mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
4. For the sauce: Igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
5. Ilagay ang all purpose cream at gatas na evaporada. Halu-haluin
6. Ilagay na din ang grated cheese at dried basil.
7. Timplahan ng asin at paminta.
8. Ilagay ang tinunaw na cornstarch at patuloy na haluin. Maaaring lagyan pa ng tubig ayon sa lapot na nais para sa sauce.
9. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain ang cream dory kasama ang creamy cheese sauce na ginawa.
Enjoy!!!!
Comments
Spice Up Your Life
sana maka bisita ka rin sa site ko http://aquinochris.blogspot.com
salamat