EASY POTATO & PUMPKIN SOUP
Here's an easy to prepare soup na tiyak kong magugustuhan ninyo at ng inyong mga pamilya. Okay na okay din ito para sa mga anak natin nahindi natin mapakain ng gulay. Hehehehe
May version na ako ng pumpkin soup o kalabasa soup sa archive. Paki-check na lang. Pero ang version kong ito ay masasabi kong espesyal kahit mabilisan lang ang pagluto.
Wala kasi akong mai-terno na pritong isda na aking niluto. Kaya madalian ang soup na ito. Naalala ko lang yung soup na ganito na nabasa ko lang din sa isa pang paborito kong food blog.
Try nyo ito. Yummy! Creamy!
EASY POTATO & PUMPKIN SOUP
Mga Sangkap:
250 grams Kalabasa cut into cubes
1 large Potato cut also into cubes
6 cups Chicken broth or 2 pcs. Chicken cubes
1 cup Milk or Cream
5 cloves Garlic
1 large White Onion quartered
3 tbsp. Olive oil
1/2 cup Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang patatas, kalabasa, bawang at sibuyas sa sabaw ng manok o sa 6 na tasang tubig at 2 pcs. na Chicken cubes.
2. Kung malambot na o luto na ang patatas at kalabasa, palamigin sandali at i-puree sa blender.
3. Ibalik ito sa kaserola at timplahan ng asin at paminta.
4. Huling ilagay ang cream, olive oil at butter.
5. Tikman at muling i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Masarap nga ang soup terno sa fried fish! ;-)
Thanks J :)