GINATAANG ALIMANGO
Minsan lang kami makakain ng alimango sa bahay. Medyo may kamahalan kasi ito dito a Manila. Imagine P400 per kilo at hindi ka pa maka-sigurado kung mataba talaga at ilang piraso lang ito.
Pero nitong isang araw, hindi ko talaga napigilan na bumili nito para sa dinner naming mag-asawa. Bale 2 piraso lang ang nabili ko. Pero kahit 2 pcs. lang ito ay talaga namang nag-enjoy kami sa aming dinner that night.
Mainam na biyakin ang alimango bago lutuin para lumasa ang taba nito sa gata. Sa pamamagitan nito mas nagiging masarap ang sauce nito.
GINATAANG ALIMANGO
Mga Sangkap:
2 pcs. large Alimango (linising mabuti at hiwain sa gitna)
Kakang gata mula sa dalawang niyog
3 pcs. Siling pang-sigang (yung isang piraso alisin ang buto at i-slice)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion sliced
1 thumb size Ginger sliced
2 tbsp. Canola oil
salt and peper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at ang hiniwang siling pangsigang sa mantika.
2. Ilagay na agad ang gata ng niyog at hayaang kumulo ng mga 2 minuto.
3. Ilagay na ang alimango at timplahan ng asin at paminta. Ilagay na din ang natitira pang siling pang sigang at 1 tasang tubig. Hayaang maluto hanggang sa kumonte na lang ang sauce.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Ang sarap nga po ng alimango, kaso mahal. Pero perfect pa rin for special occasions.
Salamat ulit
Mine is here