OLD-FASHIONED PORK ASADO
Sa mga probinsya kagaya sa amin sa Bulacan o kaya naman ay sa Pampanga makikita mo at matitikman ang pork asado na ito. Sa mga espesyal na okasyon kagaya ng fiesta o kaya naman ay kasalan siguradong matitikman mo ito.Ito rin ang nakagisnan ko na pork asado sa namayapa kong Inang Lina. Magaling siyang magluto nito. Kahit hindi pa uso ang mga pampalasa noon, napapasarap niya talaga ang kanyang asado.
Hindi katulad ng previous entry ko na mga instant sauces ang ginagamit ko, dito naman ay talagang mano-mano ang sauce na ginamit. Ofcourse dinagdagan ko na din ng konting tomato sauce para mas lalo pa itong sumarap.
Madali lang ito. Wala kayong gagawin kundi paghalu-haluin lang ang lahat ng mga sangkap at hintayin lang maluto o lumambot ang karne. Ty nyo din.
1 kilo pork picnic (kasim)
2 medium onions, sliced
1 head minced Garlic
1/4 kilo fresh tomatoes, sliced
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Vinegar or 8 pcs. Calamansi
1/2 cup tomato sauce
3 cups water
salt and pepper to taste
2 large Potato
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa tomato sauce at patatas at pakuluan sa katamtamang init ng apoy. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan pa.
2. Kung malambot na ang karne, ilagay ang buong patatas at tomato sauce. Hayaang kumulo ulit ng mga 15 minuto.
3. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
4. Palamigin bago i-slice ang karne at patatas.
5. Ilagay sa isang lalagyan at lagyan ng sauce sa ibabaw.
Enjoy!!!
Note: Mas mainam na ihain ito kinabukasan na pagkaluto. Mas nasisipsip pa kasi ng karne yung sauce na inilagay. I-init na lang ang sauce kung ise-serve na. Thanks

Mga Sangkap:1 kilo pork picnic (kasim)

Comments