PAN-GRILLED PORK STEAK

Isa sa mga pabirito ko ang inihaw na baboy. Kapag ito ang ulam ay tiyak na marami na naman akong kanin na makakain. Yun lang hindi ako madalas makapagluto nito komo nga sa condo kami naka-tira.

Pangkaraniwan na yung liempo o pork belly ang madalas na nakikikita nating iniihaw. Masarap naman talaga ang parteng ito ng baboy. Yun lang, hahanap ka talaga nung parte na hindi masyadong makapal ang taba.

As an alternative sa liempo para natin mai-ihaw, okay din na gamitin ay yung pork steak o yung parte ng baboy na parang marble ang laman at taba nito. Hindi ko alam pero sa may parte ng batok ata ito makikita. May makikita kayong ganito sa mga supermatket kagaya ng SM.

Ang inam sa parteng ito ng baboy, hindi nagiging dry ang ating inihaw. May konting taba din kasi ito in-between nung mga laman. Masarap nga ito na pork steak.


PAN-GRILLED PORK STEAK

Mga Sangkap:
5 pcs. Pork Streak
5 pcs. Calamansi
5 tbsp. Worcestershire Sauce
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang pork steak sa asin, paminta, katas ng calamansi at worcestershire sauce. Mas matagal mas mainam.
2. I-ihaw ito sa live na baga o kaya naman ay sa non-stick na kawali hanggang sa maluto.

Ihain na may kasamang toyo na may calamansi at suka. Lagyan din ng sili para may anghang.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Natakam naman ako sa post mo kuya! Kaso diet ako ngayon eh hehehe.
Dennis said…
Diet? uso ba sa iyo yun? hehehehe. Sige tingin-tingin ka na lang....hehehehe
Pandong said…
nakow nakalimutan kong meron akong hypertension dito sa recipe na to sir, salamat po...
Dennis said…
@ fatubuntu.....okay nga ito kasi hindi siya mataba. Hehehe....Ok lang kahit patikim-tikim lang....hehehee...regards

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy