PENNE PASTA with ROASTED CHICKEN & HAM




Maniwala man kayo sa hindi leftover o tira-tira lang ang sahog ng pasta dish na ito na niluto ko nitong nakaraang araw.


Yes. Yung chicken ay yung natirang breast part ng roasted chicken na dinner namin nitong nakaraang araw din at yung bacon naman ay yung natira pa na breakfast namin. May natira ding tomato and potato soup na isinama ko na din para mas maging malapot ang sauce ng pasta.


Bale yung pasta, cheese at canned tomatoes lang yung nadagdag na hindi leftover sa dish na ito. Hehehe. Ang huwag ka, masarap at parang gourmet pasta ang lasa ng pasta dish na ito. Ang sarap niya lalo na kung may mainit na pandesal o kaya naman ay toasted garlic bread. Samahan mo na din ng mainit na kape at kumpleto na ang breakfast mo. Hehehehe



PENNE PASTA with ROASTED CHICKEN & HAM


Mga Sangkap:


300 grams Penne pasta cooked according to package direction


3 cups Hinimay na laman ng manok (breast part roasted chicken)


1 cup Fried Bacon (cut into small pieces)


2 cup canned diced Tomatoes


2 cups Grated Cheese


2 cups Tomato/Potato Soup (optional)


5 cloved Minced Garlic


1 large Onion chopped


2 tbsp. Olive oil


1/2 tsp. Dried Basil


Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:


1. Sa isang sauce pan o kawali, i-prito sandali ang hinimay na manok sa olive oil. Hanguin sa isang lalagyan.


2. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Maaring dagdagan ng olive oil kung kinakailangan.


3. Ilagay ang dried basil, diced tomatoes, tomato/potato soup, 3/4 ng piniritong hinimay na manok at chopped bacon.


4. Timplahan na din ng asin at paminta. Hayaang kumulo sa katamtamang apoy.


5. Ilagay ang kalhati ng grated cheese at tikman at i-adjust ang lasa.


6. Ilagay na din ang pasta at haluing mabuti.


7. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natirang grated cheese at hinimay na manok.


Ihain na may kasamang toasted bread o mainit na pandesal.


Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy