PORK LIEMPO INASAL


Inasal ang tawag sa mga Ilonggo. Inihaw naman sa mga tagalog. Sa Batangas naman binangi ang tawag dito. In english roast di ba. At asado naman sa mga Espanyol.

Hindi pa nagsusulputan ang Mang Inasal dito sa kalakhang Maynila ay nakatikim na din ako ng chicken inasal kahit hindi ako nagpupunta ng Ilo-ilo. Kung hindi ako nagkakamali, chicken bacolod ata ang pangalan ng restaurant na yun sa may kanto ng pasay road. That was a long time ago. Ewan ko kung mayroon pa noon dito sa Manila.

Gustong-gusto ko ang lasa ng chicken inasal. Ilang beses na din akong nagluto nito na nai-post ko na din. Kaya namabn minarapat ko na magluto nito ulit pero pork liempo naman ang ginamit ko.

Pinagbatayan ko ang mga sangkap at ang paraan ng pagluluto ng chicken inasal par amakuha ko yung tamang lasa. At nagtagumpay naman ako. Masarap at malinamnam talaga ang kinalabasan.


PORK LIEMPO INASAL


Mga Sangkap:

1 kilo sliced Pork Liempo (piliin yung manipis lang ang taba)
5 tangkay na Tanglad o lemon grass aliced (yung white portion lang)
8 pcs. Calamansi1 head minced Garlic
1/2 cup Vinegar
1/2 cup Anato or Achuete oil (i-prito lang sa mantika ang achuete seeds ng mga 10 seconds)
1/2 cup Star Margarine
Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang pork liempo sa asin, paminta, katas ng calamansi at bawang. Hayaan ng mga 2 oras. Overnight mas mainam.
2. Kung iihawin na, ilahay ang suka at hayaan ng mga 30 minuto.
3. I-ihaw ito sa baga o kaya naman ay sa stove-top griller.
4. Pahiran ang liempo ng achuete oil at star margarine hanggang sa maluto.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawan na pinaghalong calamansi, suka, toyo at sili.

Enjoy!!!!


Comments

J said…
Naku kuya ang sarap niyan... ginutom talaga ako.
Dennis said…
Yummy talaga J....yung lasa ng tanglad at star margarine.....panalo....hehehehe
Maricel said…
Nkakagutom naman toh! Sarap nito sa mainit na kanin! :)

Visiting from FTF! Here's mine: Chooks To Go - Rustan's Gateway
purethoughts said…
wow! winner!! hope you could also visit me at http://www.eatdrinkblog.info/dinner-at-mc-donalds/

i added this blog into my blogroll.
purethoughts said…
wow! winner!! hope you could also visit me at http://www.eatdrinkblog.info/dinner-at-mc-donalds/

i added this blog into my blogroll.
PinayinTexas said…
Hi! I'm not sure if you know me...I'm your wife's 2nd degree niece...daughter po ako ni Tato Flores. Just found your blog on FTF! Didn't know that you have a food blog. 2009 pa pala! I just started mine last January...and I'm having a great time meeting new friends with the same passion. :)
I'm your newest follower!
Give my regards po to Tita Jolly! Take care!
Dennis said…
@ Tina.... Yup sinabi nga ng Tita Jolly mo...kaya ayun naka-bookmark sa computer namin sa house ang blog mo....hehehe.

Nakita mo ba yung pict ng tatay mo sa FB account ko?

Regards ha...and thanks for visiting my blog.
Dennis said…
@ purethouyts...Salamat ha...nagbi0visit din ako sa blog mo....Regards...



Dennis
PinayinTexas said…
Meron po ba? I checked on Tita Jolly's FB the time Tatay told me na baka my picture nga daw sya don, pero wala naman.
Anyway, I sent you a friend request on FB...:)
Dennis said…
@ Tina....na accept ko na...Check mo na lang yung pict sa mga album. Thanks

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy