SHRIMP CURRY
Noon ko pa binabalak na magluto nitong Shrimp Curry na ito. Hindi lang matuloy-tuloy komo nga may kamahalan ang hipon. Pero nitong nakaraang pamimili ko sa SM Supermarket sa Cubao, may nakita akong hipon na itinitinda na wala nang ulo. P380 ang kilo nito at naisipan kong bumili kahit 1/2 kilo lang. Itong shrimp curry agad ang naisip ko ng bilin ko ang hipon na ito.
At yun nga ang inulam namin nitong nakaraang araw. Masarap, tamang-tama lang ang anghang at nakakagana talagang kainin. Isa pa, madali lang itong lutuin. Mas matagal pa ata yung pagbabalat sa hipon kesa sa tagal ng pagluluto. Hehehehe.
SHRIMP CURRY
Mga Sangkap:
1/2 kilo medium size Shrimp (alisin yung ulo at balatan. Itira yung butot)
1 large Potato (cut into cubes)
1 Carrot (cut into cubes)
1 Red Bell pepper (cut into cubes)
2 cups Kakang Gata (coconut cream)
3 pcs. Siling pang-sigang
1 tbsp. Curry Powder
Salt and pepper to taste
5 cloves minced Garlic
1 pc. Onion Sliced
1 thumb size Ginger sliced
2 tbsp. Canola oil
Chopped Wansuy
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Lagyan ng 2 tasang tubig at ilagay ang patatas at carrots. Takpan at hayaang maluto.
3. Ilagay na din ang red bell pepper at siling pang-sigang.
4. Isunod na ring ilagay ang hipon, kakang gata at curry powder. Timplahan na din ng asin at paminta.
5. Hayaang kumulo pa ng mga 3 menuto. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng chopped wansuy sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments