STIR FRIED PORK and BAGUIO BEANS


Another simple dish ang handog ko para sa inyo sa araw na ito. Ayos na ayos ito lalo na sa mga working mommy (o daddy na kagaya ko...hehehe) na nagmamadali na makapag-prepare ng dinner for their kids.

Simple lang itong lutuin at simple din lang ang mga sangkap. Pero kahit ganito ito kasimple, hindi simple ang lasa nito.


STIR FRIED PORK and BAGUIO BEANS

Mga Sangkap:
1 kilo Bacon cut Pork (cut into 1 inch long)
300 grams Baguio Beans (cut also into 1 inch long)
1 large Carrot cut into strips
1/2 cup Oyster Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 large Onion sliced
5 cloves Minced Garlic
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang bacon cut pork ng asin at paminta.
2. Sa isang non-stick na kawali, lutuin ang karne hanggang sa mawala ang pagkapula nito at naglalabas na ng mantika.
3. Sunod na i-gisa ang bawang at sibuyas.
4. Ilagay na din ang baguio beans at carrots. Halu-haluin. Hayaan ng mga ilang minuto. Huwag i-overcooked ang gulay.
5. Ilagay na ang oyster sauce at brown sugar.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy