TAPUSAN SA SAN JOSE BATANGAS 2011

Sa lugar ng aking asawang si Jolly sa San Jose, Batangas, buong buwan ng Mayo nila ginagawa an g pag-aalay ng bulaklak kay Mama Mary. Sa bawat araw ay may mga nakatoka na siyang may kaarawan. Di ba nga sa amin na toka ang May 1 para mag-sponsor?

Sa huling araw o May 31, ito ang tinatawag nila na tapusan. Ito bale ang parang pinaka-fiesta. At sa tapusan ngang ito ay sinimulan ng iang Banal na Misa. 11am na nag-start yung mass.



Pagkatapos ng misa ay ayos na ayos dahil pananghalian na. Hindi na kami nag-handa sa bahay ng aking biyenan dahil nag-patay ng baboy ang kapatid ng aking asawa na si Ate Pina. Doon na lang daw kami mag-tanghalian at yun nga ang ginawa namin.

Maraming handang ulam na nakahanda sa mesa. May pochero, adobo, pork hamonado at marami pang iba. Sa mga pagkain na yun ang adobo at pork hamonado ang aking nagustuhan. Yummy talaga...hehehehe


Nag-enjoy talaga ang lahat sa pagkaing nakahain. Ganun naman talaga kapag may fiesta, overflowing ang mga pagkain.


May dessert din pala na nakahain. May mix fruits at sorbetes. Yung sorbetes ang nagustuhan ko. Yummy at nakakatanggal talaga ng umay sa pagkain.


Nung bandang hapon naman ay ginawa ang huling alay at ang prusisyon. Marami din ang sumama at kasama na din kami ng aking mga anak.


At kagaya ng sermon ng pari nung umaga ng misa, nararapat lamang na pasalamatan natin at papurihan si Maria bilang Ina ng ating Panginoong Hesus at atin ding Ina.


Sanay magpatuloy pa ang mga ganitong gawain sa hinaharap.


Amen


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy