TORTANG DULONG


Remember yung balikbayan na bisita namin sa bahay na kapatid ng asawa kong si Jolly? Yes. Komo alam kong sabik sila sa mga pagkaing pinoy naisip ko na ihain sa kanila itong tortang dulong na ito.

May nakita kasi akong sariwang dulong sa palengke at itong torta agad ang naisip kong gawing luto. Madali lang ito. Basta ang importante dito ay sariwa dapat ang dulong.


TORTANG DULONG

Mga Sangkap:
1/2 kilo Fresh Dulong
1 large white Onion finely chopped
3 pcs. Eggs beaten
1/2 cup All purpose flour
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1/2 tsp. ground Black pepper
1 tsp. Garlic powder
Canola oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghalu-haluin lamang ang lahat ng sangkap.
2. Sa isang non-stick na kawali, magpa-init ng 1 tasang mantika.
3. Sa isang platito, maglagay ng tamang dami ng pinaghalong mga sangkap.
4. Dahan-dahang isalin o i-priot ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at pumula ang magkabilang side.
5. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawan na suka na may sili o kaya naman ay ang paborito ninyong catsup.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Kuya, ano yung dulong? yun ba yung maliit na isda?
Dennis said…
Yup....yun yung maliliit na isda. Yummy ito na isasawsaw sa suka...parang ukoy...hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy