TORTANG GINILING OVERLOAD

Sa mahal ng mga bilihin ngayon, ang word na pagaaksaya is a big NO sa ating lahat. Kahit nga yung mga tira-tira na ulam, ibinabaon ko pa para hindi lang masayang. Syempre naman hindi naman yung tipong mapapanis na. hehehehe.

Sa mga tira-tira na mga pagkain kagaya ng hotdogs, ham, left-over na karne like adobo, chicken, or mix vegetables, etc. The best na pwedeng gawin dito ay i-recycle para mapakinabangan pa. Ang torta ang lutong pwedeng gawin sa mga ito.

Kagaya ng entry kong ito for today. Mga tira-tira lang ang sangkap ng tortang giniling na ito. Pero wag ka. Masarap ang kinalabasan at hindi mo sasabihing recycled ang dish na ito. Try nyo din.



TORTANG GINILING OVERLOAD


Mga Sangkap:


300 grams Ground Pork


3 pcs. Regular Hotdogs (sliced)


3 slices Sweet Ham (cut into small pieces)


1 cup Mix Vegetables (Carrots, Corn green peas)


1 small Potato (cut into small cubes)


4 Eggs beaten


1/2 cup grated Cheese


1/2 cup Milk


1/2 tsp. Ground Black Pepper


1/2 tsp. 5 spice Powder


3 cloves minced Garlic


2 pcs. Tomatoes chopped


1 medium size White Onion chopped


2 tbsp. Olive oil


Salt to taste



Paraan ng pagluluto:


1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang patatas sa mantika hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.


2. Sunod na igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Halu-haluin


3. Sunod na ilagay ang giniling. Timplahan ng asin, paminta at 5 spice powder. Halu-haluin hanggang mawala ang pagka-pink ng giniling.


4. Sunod na ilagay ang mix vegetables, ham at hotdogs. Halu-haluin. Hayaan ng mga ilang minuto.


5. Sa isang bowl, batihin ang itlog kasama ang gatas.


6. Ilagay dito ang nilutong giniling at haluin mabuti.


7. Lagyan muli ng kaunting mantika ang non-stick na kawali.


8. Lutuin dito ang pinaghalong giniling at binating itlog. Hayaang maluto.


9. Para lutuin ang kabilang side, gumamit ng plato na mas malaki sa bilog ng inyong torta. I-taklob ito sa nilulutong torta at saka baligtarin ang kawali sa plato. Ibalik ang torta sa kawali at lutuin ang kabilang side. Maaring tusok-tusukin ng tinidor ang ibabaw ng torta para malutong mabuti ang loob.


10. Hanguin sa isang lalagyan at ihain na kasama ang inyong paboritong catsup.


Enjoy!!!


Comments

i♥pinkc00kies said…
uy fave ko yan tapos super dmaing catsup :D
J said…
Ako rin kuya. Pag may natirang meat, nilalagay ko sa fried rice hahaha.
ardee sean said…
wow, sarap naman.. matry nga tong recipe na to.. hhehe ;)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy