BEEF CALDERETA with COCONUT CREAM


Sa mga luto sa baka ang caldereta ang isa sa mga paborito ko. May ilang caldereta recipes na rin ako sa archive at isa na dun ay ang calderetang Batangas na nagustuhan ko talaga ang lasa.

Kagaya ng adobo, marami ding version itong beef caldereta na ito. Depende na rin siguro sa lugar. May caldereta din na ma-sauce at yung iba naman at dry. Para sa akin mas gusto ko yung ma-sauce. Ang sarap kasi nun isama sa mainit na kanin....hehehehe. Kung baga, sauce pa lang ay ulam na.

This time, sinimplehan ko ang beef caldereta version ko na ito. At kahit na simple ay hindi din naman simple ang lasa. Yun ay dahil nilagyan ko ito ng gata ng niyog. Ang kinalabasan? Isang dish na sauce pa lang ay ulam na. Hehehehe


BEEF CALDERETA with COCONUT CREAM

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket cut into cubes
2 cups Coconut Cream or kakang Gata
1 large Carrot cut into cubes
2 pcs. Red Bell Pepper cut also into cubes
1 large Potato cut also into cubes
2 tbsp. Worcestershire Cause
1/2 cup Soy Sauce
1 pouch or 2 cups Tomato Sauce
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 tbsp. Peanut Butter
1 tsp. Chili Powder (or depende na lang kung gaano kaanghang ang gusto ninyo)
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion sliced
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Canola Oil

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Halu-haluin.
2. Timplahan ng asin, paminta, chili powder, toyo, worcestershire at mga 3 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung malapit ng lumambot ang karne, ilagay na ang carrots, patatas at red bell pepper. Hayaan ng mga 5 minuto.
4. Sunod na ilagay ang tomato sauce, sweet pickle relish at gata ng niyog. Hayaan pa ng mga 5 minuto.
5. Huling ilagay ang peanut butter para lumapot ang sauce.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Wow, interesting! Mukhang magugustuhan ito ng asawa ko. Try ko ito kuya ha!
Dennis said…
Hi J....Ito ang sinasabing...sauce pa lang ay ulam na. Hehehehe.
Anonymous said…
Hello Dennis,

Perfect! Kahit instant or real gata same taste. You rock!
Dennis said…
Thanks my friend. Tama ka....canned or fresh kakang gata will do.

- Dennis
Anonymous said…
what is the best perfect match for beef caldereta aside sa rice?
Dennis said…
Malamig na San Miguel Beer. Hehehehe. Dinner bread is also okay.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy