CHICKEN MACARONI SOUP (SOPAS)

Laging maulan. Malamig ang panahon. Ang masarap kainin nito ay yung may mainit na sabaw. Panalo dito ang bulalo o nilagang baka. Pero hindi iyan ang entry ko for today. Isa ding comfort food na ayos na ayos sa ganitong panahon.

Chicken Macaroni Soup. Paborito ito ng bunso kong anak na si Anton. Talagang may I request pa siya na ito ang iluto kong breakfast nitong isang araw.

May entry na ako sa archive for Macaroni soup. Ang kaibahan nitong entry ko for today ay loaded ito ng laman na hinimay na laman ng manok.

Yes. Wala akong ibang isinahog dito kundi manok. Not like yung una ko posting na nilagyan ko pa ng gulay. Dito, manok lang at nilagyan ko din ng star margarine para maging mas malasa ang sabaw. Ito kasi yung nakikita ko sa amin sa Bulacan na ginagawa. At talagang masarap nga.


CHICKEN MACARONI SOUP (SOPAS)

Mga Sangkap:
300 grams Elbow Macaroni
3/4 kilo Chicken Breast
1 big can Alaska Evap (yung red ang label)
1/2 cup Star Margarine
5 cloves Minced Garlic
1 large White Onion chopped
2 pcs. Chicken cubes
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilaga ang manok hanggang sa lumambot. Timplahan na ito ng konting asin. Palamigin ang manok at himayin. Itabi ang sabaw na pinaglagaan.
2. Sa isa pa ring kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting star margarine.
3. Ilagay ang sabaw na pinaglagaan ng manok at hintaying kumulo.
4. Ilagay ang elbow macaroni at hinimay na manok. Palaging haluin para hindi mag-dikit-sikit ang macaroni hanggang sa maluto.
5. Ilagay ang chicken cubes at paminta. Tikman at i-adjust ang alat.
6. Patayin ang apoy at saka ilagay ang alaska evap. Haluin. Takpan at hayaang umalsa ang macaroni.

Maghintay ng sandali bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Dennis said…
Salamat din Ms. Jenny :)


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy