GINATAANG ALIMANGO, SITAW at KALABASA
Ito ang isa sa mga niluto kong handa nung salo-salo namin sa Batangas nung nakaraang Linggo. Si Lita na kapatid ng aking asawa ang sponsor nito. Ako lang ang nagluto. hehehehe.
Ito ang isa sa naisipang ihanda komo paborito ito ng aking biyenan. Hiling pa nga na lagyan daw ng kalabasa at sitaw ang alimango para mas sumarap.
Nakakatuwa naman at matataba ang mga alimango kahit na mga lalaki ito. Talaga namang puring-puri ang pagkakaluto ko nito dahil siguro sa sarap ng sauce. Kahit nga ang balikbayan na nakabalik na ng Ireland na si Beth ay nag-comment pa sa FB ko at nagpapasalamat sa masarap kong luto. hehehehe.
GINATAANG ALIMANGO, SITAW at KALABASA
Mga Sangkap:
3 kilos Alimango (alisin ang mga paa at huiwain sa gitna)
Gata mula sa dalawang niyog
300 grams Kalabasa cut into cubes
1 tali Sitaw cut into 1 inche long
5 cloves Minced Garlic
1 large White Onion sliced
2 thumb size Ginger sliced
5 pcs. Siling pang-sigang
1/2 cup Butter
salt and pepper to taste
Paraan ng paglultuo:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter.
2. Ilagay ang alimango at timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng 1 tasang tubig. Hayaan ng mga 5 minuto.
3. Ilagay na din ang gata ng niyog. Takpan at hayaan ng mga 5 minuto.
4. Ilagay na ang kalabasa, sitaw at siling pang-sigang. Hayaan hanggang sa maluto ang gulay.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!
Comments