PAKSIW na PATA in TANDUAY ICE

May nabili akong sliced na pata ng baboy nitong isang araw. Isa lang ang balak kong luto sa patang ito at ito ay ang ipaksiw.

Gustong-gusto ko ang paksiw na pata lalo na yung malambot na malambot na halos malaglag na sa buto ang laman.

Kaso nung lulutuin ko na, wala pala akong suka sa aking cabinet. Ang ginawa ko, may nakita akong Tanduay Ice sa fridge ay yun ang ginamit kong pang-asim sa aking paksiw.

Ang kinalabasan? Isang masarap at kakaibang paksiw na pata. Yummy talaga. nandun yung naghahalong asim, tamis at alat sa sauce. Try nyo din.


PAKSIW NA PATA in TANDUAY ICE

Mga Sangkap:
1 sliced Pork Leg
1 bottle Tanduay Ice
1 head minced Garlic
1 large Red Onion sliced
1 tsp. ground Black Pepper
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Sesame oil
Brown Sugar to taste
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa sesame oil at brown sugar.
2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang pata. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung malambot na ang karne ay saka ilagay ang brown sugar at sesame oil.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
ahahay... sarap niyan! Makabili nga ng pata heheh
Maisie said…
yummy!!! wala tanduay ice here if im using vinegar ganu kadami ilagay ko?

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy