CHICKEN SALPICAO



Another simple but delicious dish ang muli kong hatid sa inyong lahat. Simpleng sangkap...simpleng paraan ng pagluluto. Okay na okay sa mga mommy na always on the go.


The first time na magluto ako ng beef salpicao, nagustuhan ko talaga ito at ng aking pamilya. kaya naman sinubukan kong lutuin ulit ito gamit naman ang manok. Hindi naman ako nagkamali, masarap at malasa ang kinalabasan ng dish na ito. Try nyo din.



CHICKEN SALPICAO


Mga Sangkap:

1 kilo Chicken Breast (cut into bite size pieces)

1/2 cup Soy Sauce

2 head minced Garlic

1 tbsp. Worcestershire Sauce

1 tbsp. Oyster Sauce

1/2 tsp. ground black pepper

3 tbsp. Knorr Liquid Seasoning

3 tbsp. Olive oil

Salt to taste


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang manok sa toyo, worcestershire sauce, oyster sauce at paminta. Hayaan ng mga 1 oras.

2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa olive oil hanggang sa mag-golden brown. hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa parehong kawali, i-prito ang manok kasama ang marinade mix hanggang sa maluto.

4. Huling ilagay ang Knorr liquid seasoning. Tikman ang sauce ang i-adjust ang lasa.

5. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod ang piniritong bawang sa ibabaw.


Ihain habang mainit pa.


Enjoy!!!!


Comments

J said…
Hmmm... mukhang masarap! I remember my lola's salpicao was spicy
Dennis said…
Tama ka J...masarap kung medyo spicy...lalo na kung may kasama pang beer...hehehe. Pero komo nga dinner namin ito hindi ko na lang nilagyan para makain ng mga bata. hehehe ..regards
Dette Laboy said…
hi may pwede po bang i-substitute sa olive oil, can i use sesame oil instead? thanks
Dennis said…
Hi Dette,

Okay lang kahit ordinary na cooking oil wag sesame oil kasi masyado itong matapang. Pag nasobrahan nito baka pumait ang chicken mo.

Thanks for the visit


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy