FISH & TOFU in BLACK BEANS SAUCE
Isa na naman espesyal na ulam ang handog ko sa inyong lahat. Fish & Tofu in Black Beans Sauce.
May nabili akong 1 kilo na isdang malasugi sa SM Makati. Malaking klase ng isda ito na parang tanigue o kaya naman ay tuna. Hindi din ito masyadong matinik. Yung kalhati nito ay ipinaksiw ko sa tuyong kamias at ito ngang kalhati pa ay nilagyan ko ng tokwa at black beans sauce o tausi.
Sa dish na ito pwede ding gumamit ng kahit anong isda na white ang laman at hindi masyadong matinik. Pwede dito ang tuna boneless bangus o kaya naman ay tilapia.
FISH & TOFU in BLACK BEANS SAUCE
Mga Sangkap:
1/2 Kilo Fish Fillet cut into serving pieces (any white meat fish)
1 block Tofu cut into cubes
1/2 cup Unsalted Black Bean Sauce
3 tbsp. Oyster Sauce
3 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame oil
1 tsp. Cornstarch
2 tbsp. Ginisa Mix
2 cups cooking oil
3 cloves minced Garlic
1 thumb size Ginger sliced
1 medium size Onion sliced
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang fish fillet sa ginisa mix. Hayaan ng mga ilang minuto.
2. Sa isang kawali o non-stcik pan i-prito ang tokwa sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali i-prito din ang fish fillet hanggang sa maluto at mag-light brown ang kulay. hanguin din sa isang lalagyan.
4. Bawasan ng mantika ang kawali. Magtira lamang ng mga 2 kutsara.
5. Igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin
6. Ilagay ang black bean sauce, toyo, oyster sauce, brown sugar at kalhating tasang tubig. Timplahan na din ng konting asin at paminta.
7. Kapag kumulo na, ilagay ang tinunaw na cornstarch.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Ilagay sa sauce ang piniritong fish fillet at tokwa. Haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat na parte ng fish fillet at tokwa.
10. Hanguin agad sa isang lalagyan.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments