HOMEMADE PORK TOCINO using CLARA OLE


Isa sa mga paboritong pang-ulam sa almusal nating mga Pilipino ang tocino. Samahan mo pa ng mainit na sinangag at pritong itlog, siguradong panalo ang ating mga almusal. Huwag mo na ring kalimutan ang sawsawang suka na may sili at mainit na kape. hehehehe. Winner!!!!

Sa panahon ngayon marami na rin ang instant instant sa mga pamilihan. Mula sa 3 in 1 na kape, ang mga noodles na lalagyan na lang ng mainit na tubig at kung ano-ano pa. Kahit ang pagluluto ng masasarap na pagkain pinoy ay madaling-madali na din. Kahit hindi ka marunong magluto ay magagawa mo ito.

Kagaya nitong entry natin for today. Basta mayroon kang hiniwa nang maninipis na baboy at itong Clara Ole Tocino mixes, may masarap ka nang pork tocino. Yun lang para kapos pa rin ang lasa para sa akin kaya in-adjust ko na lang ito. But in general, okay naman ang lasa nito.


HOMEMADE PORK TOCINO using CLARA OLE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or pigue (thinly sliced)
1 pouch Clara Ole Tocino Mixes
1/2 cup Brown Sugar
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne sa Clara Ole Tocino Mixes. Lagyan din ng dagdag na brown sugar at asin ayon sa inyong panlasa. Ibabad ito ng overnight.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito lamang ang nais na dami ng tocino sa kaunting mantika hanggang sa maluto.

Ihain kasama ang mainit na sinangag at pritong itlog.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
what we buy is Clara Ole BBQ MArinade (korean) :D
Dennis said…
OK din yung Tocino marinade nila...just add lang a little more sugar. pero masarap ha...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy