HONEY-GINGER CHICKEN
Isa na namang masarap at madaling putahe ang handog ko sa inyong lahat. Ito yung palagi kong sinasabi na kahit hindi marunong magluto ay magagawa ito. Konti lang bilis ng kilos (para di masunog ang honey sauce) ay tiyak kong perfect ang kakalabasan ng dish na ito.
Okay na okay din ito sa mga working mother na kailangan pang magluto pagkagaling nila sa opisina. Simple lang kasi ang mga sangkap at simpleng-simple lang ang procedure ng pagluluto. Siguro it will take only about 30 minutes at may ulam na kayo. Try it!
HONEY-GINGER CHICKEN
Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Thigh & Legs.
1 cup Pure Honey
1/2 cup Soy Sauce
2 thumb size Ginger grated
Salt and pepper to taste
1 tbsp. Canola oil
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang manok ng asin at paminta. Hayaan ng mga ilang minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali i-prito sandali ang mga manok sa kaunting mantika. Iba-brown lang ng konti ang balat ng manok.
3. Ilagay ang toyo, grated ginger at 1 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang manok ng mga 20 minuto. Maaring lagyan pa ng konting tunig kung kinakailangan.
4. Kung kakauntin na ang sauce, ilagay na ang honey. Hinaan ng konti ang apoy para hindi masunog ang honey. Haluin ng haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng manok at kumonti na lang ang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Hopping from Food Trip Friday. You can read my post here: Halo Halo de Iloko | La Union
Thanks for the visit. :)
Dennis
Mga Kathang Isip at Kwento ni Kiko