PORK BINAGOONGAN with CREAM

Isa sa mga paborito kong ulam ang binagoongan na baboy. Gustong-gusto ko kasi yung alat ng bagoong at yung lasa ng baboy combined. Para mas lalo pang sumarap ang paborito kong ito, nilagyan ko ito ng cream sa halip na gata ng niyog. Although, mas panalo kung gata ito ng niyog, masarap pa rin ang kinalabasan ng pork binagoongan ko na ito.


PORK BINAGOONGAN with CREAM

Mga Sangkap:
1 kilo Pork kasim cut into cubes
1 cup Sweet Bagoong Alamang (yung nasa bottle na available naman sa mga supermarket)
2 cups All Purpose Cream
2 head Minced Garlic
1 large Red Onion sliced
2 pcs. Talong sliced
1/2 cup cooking oil
5 pcs. Siling pang-sigang
Sat and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, i-prito ang talong hanggang sa mag-brown at maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong lutuan, i-prito ang bawang sa mahinang apoy hanggang sa ma-tusta at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Igisa na din dito ang sibuyas at ilagay na din ang hiniwang karne ng baboy.
4. Lagyan ng mga 3 tasang tubig at timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
5. Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang bagoong at siling pang-sigang. Takpan muli at hayaan ng mga ilang minuto.
6. Huling ilagay ang cream at hayaang maluto pa ng mga 2 minuto.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang pinritong talong at bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Wow kuya interesting yan ha!
Dennis said…
Try mo ito J...Masarap talaga. Pwede mo ding lagyan ng manggang hilaw na hiniwa na parang match sticks. Mapapasobra ka ng kanin niyan...hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy