SQUID BALLS with HOMEMADE SAUCE


Paborito kong street food ang squid balls. Pag may nadadaanan nga ako na kariton na nagtitinda nito ay talagang napapadaan ako para bumili. Ewan ko ba bakit masarap yung tinda nila as compare dun sa ikaw ang magluluto sa bahay. Yun lang mas mahal talaga kung dun ka bibili kesa ikaw ang magluto. Sa supermarket kasi ang P50 mo na squid balls ay marami na, samantalang sa kariton ay P2.50 ang isa.

Sa request ng panganay kong si Jake, bumili ako ng 1/2 kilo nitong squid balls sa SM supermarket sa Makati. Ito ang naging snacks nila nitong nakaraang araw na walang pasok. Gumawa na lang ako ng sauce para mas masarap ang kalabasan. At ito ang ibabahagi ko sa inyo today.


SQUID BALLS with HOMEMADE SAUCE

Mga Sangkap:

1 cup Sweet Soy Sauce

5 cloves Minced Garlic

1/2 cup Cornstarch

1 tsp. Salt

1 cup Brown Sugar

Siling labuyo (optional)


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang sauce pan, pagsama-samahin ang lahat ng sangkap maliban sa cornstarch.

2. Pakuluan ito ng mga 10 minuto.

3. Ilagay ang tinunaw na cornstarch at haluin ng haluin ang sauce. Hinaan ang apoy.

4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaring dagdagan pa ng asin o asukal o kaya naman ay tubig para sa tamang lapot na nais nyo.

5. I-prito ang squid balls hanggang sa maluto.

Ihain ito kasama ng sauce na ginawa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Patuhog naman kuya hehe. May entry din akong ganyan pero fish ball naman. Read it here:

http://notjustafoodblog.blogspot.com/2010/07/fish-balls-sauce.html
Dennis said…
Sinabi mo J..kaya nga ang ginawa ko tinuhog ko talaga ito at saka ko inilubog sa sauce....para feel na feel ko yung pagkain....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy