TENGALING - CRISPY PORK EARS
Eto ang pagkaing pampabata...hehehehe. Masarap ito pag may kasamang malamig na beer. Pwede din itong pang-ulam.
Remember yung entry ko kahapon na Lugaw Tokwa Baboy? Ito yung part ng tenga ng baboy. Masyado kasing marami kung isasama ko pa ito sa tokwa't baboy kaya naisipan kong i-prito na lang hanggang sa maging crispy.
Ang isa pang gusto kong i-share sa inyo ay ang pagluluto nito na hindi masyadong napupuputok o nagtitilamsikan ang mantika. Bukod pa sa delikado ito sa atin ay kalat talaga ang mantika sa ating kusina.
Ang dapat lang nating tandaan ay ilagay muna natin sa freezer ang pinalambot na tenga ng baboy ng mga 2 araw bago natin ito lutuin. Tingnan nyo wala putok-putok o tilamsik ng mantika. hehehehe. Garantisado ito.
TENGALING - CRISPY PORK EARS
Mga Sangkap:
2 pcs. Tenga ng Baboy
1 pcs. Onion sliced
2 pcs. Dahon ng Laurel
2 tbsp. Rock Salt
1/2 tsp. paminta (durugin ng bahagya)
1 tsp. Maggie magic Sarap (optional)
3 cups Cooking oil
Paraan ng pagluluto:
1. Palambutin ang tenga ng baboy sa isang kaserola na may tubig, dahon ng laurel, asin, paminta, sibuyas at maggie magic sarap.
2. Palamigin sandali at hiwain sa nais na laki.
3. Ilagay muna sa freezer at hayaan ng mga 2 araw bago lutuin.
4. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maging crispy.
Ihain ito na may kasamang suka na may bawang at sili.
Enjoy!!!!
Comments