AMPALAYA con LECHON


May nabili akong magandang pork liempo sa SM supermarket sa Makati last Sunday na nag-grocery ako. Maganda kasi manipis lang yung taba niya at may konting murang buto. Dalawang piraso na nagtitimbang ng 1.7 kilos ang binili ko. Lechon kawali agad ang naisip kong gawing luto dito.

Masyadong marami ang 1.7 kilo na karne para sa amin, kaya nag-isip ako ng pwede ko pang lutuin sa matitira o sa kalhating lechon kawali na ito. At yun nga, naisipan kong isahog ito sa ginisang amplaya. Mas mas sumarap pa nilagyan ko ito ng black beans sauce at oyster sauce. Ang kinalabasan? Isa na namang masarap na pork & vegetable dish.


AMPALAYA con LECHON

Mga Sangkap:

500 grams Lechon Kawali cut into cubes

1 pc. large Amplaya sliced

5 cloves minced Garlic

1 large Onion sliced

½ cup Oyster Sauce

2 tbsp. unsalted Black Bean Sauce

1 tsp. Brown Sugar

1 tsp. Cornstarch

1 pc. Egg beaten

Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:

  1. Sa kaunting mantika, i-prito ang binating itlog. Hanguin sa isang lalagyan.
  2. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika. Halu-haluin.
  3. Ilagay ang lechon kawali at hiniwang amplaya. Lagyan na din ng mga ½ tasang tubig.
  4. Timplahan na ng asin, paminta, oyster sauce at black bean sauce. Halu-haluin.
  5. I-stir-fry hanggang maluto ang ampalaya. Huwag i-overcooked.
  6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
  7. Ilagay ang cornstarch na tinunaw sa tubig para lumapot ang sauce. Haluing mabuti.
  8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang ginayat na nilutong scrambled egg.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note: Kung gusto ninyo na crispy pa rin yung lechon kawali, ihalo nyo lang ito bago hanguin. Thanks

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy