CHICKEN RELYENO

Isa na namang special dish ang inihahandog ko sa lahat nang tagasubaybay ng food blog kong ito. Chicken Relyeno.

Breast fillet ang ginamit ko sa halip na buong manok. Ayos na ayos ito lalo nat papalapit na ang pasko at Bagong Taon.

Medyo may karamihan ang mga sangkap para sa palaman, pero tinitiyak ko sa inyo na sulit naman ang lahat pag natikman nyo na ang dish na ito.

Para sa palaman, pwede kayong maglagay pa ng iba pang sangkap para mas lalo pa ninyong mapasarap ang inyong relyeno. Pwede ding lagyan nyo ng pineapple tidbits o kaya naman ay sweet ham or chorizo de bilbao.

Try nyo ito. Special para sa lahat

CHICKEN RELYENO

Mga Sangkap:

4 whole Chicken Breast (skin-on) cut into half then

5 pcs. Calamansi

3 cloves minced Garlic

½ cup Soy Sauce

Salt and pepper to taste

Para sa palaman:

300 grams Ground Pork

3 pcs. Loaf bread cut into small pieces

½ cup Bacon chopped

½ cup Mix Frozen Vegetables (carrots, peas, corn)

½ cup Red bell pepper cut into small cubes

1 large white Onion finely chopped

2 tbsp. Sweet Pickle Relish

½ cup grated Cheese

½ cup Raisins

½ cup Roasted pistachio nuts or peanuts

2 pcs. Egg beaten

½ cup Cornstarch

1 tbsp. Sesame Oil

2 tbsp. Soy Sauce

1 tbsp. Liquid Seasoning

Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:

1. Hiwaan ang laman ng manok sa gitna para malagyan ng palaman.

2. I-marinade ang manok sa pinaghalong asin, paminta, toyo, bawang at katas ng calamansi. Hayaan ng 1 oras. Overnight mas mainam.

3. Sa isang bowl, pagsamahin ang lahat ng sangkap para sa palaman. Haluing mabuti ang mga sangkap. Maaring mag-prito o steam ng konti nito para matikman ang lasa at kung kailangang i-adjust ang seasoning.

4. Ipalaman ang pinaghalong sangkap sa minarinade na manok.

5. Lutuin ito sa turbo broiler o sa oven sa init na 300 degrees hanggang sa maluto at pumula ang balat

6. Palamigin muna bago i-slice

Ihain na may kasamang catsup o kung ano mang sauce na nais.

Enjoy!!!

My entry @

FTFBadge


Comments

Looove Chicken Relleno, just don't know how to make them, I was able to make Chicken cordon bleu which I intend to share in a few days or so! Tnx, hope you also visit my blog site at http://www.gastronomybyjoy.com/2011/10/go-greek.html
jellybelly said…
Wow ang sarap! I only get to have chicken relleno during the christmas holidays. Stopping by from Food Trip Friday!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy