CHICKEN SOPAS

Natatandaan nyo ba yung Royco Chicken Noodle Soup noong araw? Ito ang naging inspirasyon ko nung niluto ko ang sopas na ito. Ito yung magpapakulo ka lang tubig sa kaserola at doon mo lulutuin ang instant soup na ito. Hindi ko lang alam kung mayroon pa nito dito sa Pinas.

Nahilingan kasi ako ng bunso kong si Anton na magluto ng sopas para sa aming breakfast. Kaso naubusan naman ako ng macaroni pasta at itong spaghetti pasta na natira pa nung birthday ng anak kong si Jake ang nakita ko. So, ayun! Itong Royco style sopas ang naisipan kong lutuin.

Masarap ang kinalabasan ng sopas ko. Bakit naman hindi? Ilang chicken breast din ang inilagay ko na sahog dito. Hehehe. Nilagyan ko din ito ng red bell pepper na hiniwa ko ng maliliit na cubes na mas lalo pang nagpasarap sa lasa ng sabaw.


CHICKEN SOPAS ala ROYCO

Mga Sangkap:
300 grams Spaghetti pasta (cut into 1 inch long)
2 whole Chicken Breast Fillet (pakuluan at himayin. Itabi ang pinagpakuluan)
1 whole Red Bell Pepper cut into small cubes
1 small can Alaska Evap (yung red ang label)
1 pc. Knorr Chicken Cubes (optional)
5 cloves minced Garlic
1 large red Onion chopped
1/2 cup Butter or margarine
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola may tubig at kaunting asin, pakuluan ang manok hanggang sa maluto. Palamigin ang manok at himayin.
2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter. Ilagay na din ang manok na hinimay.
3. Ilagay ang sabaw na pinagpakuluan ng manok. Maaring dagdagan ng tubig depende sa daming ng sabaw na gusto ninyo.
4. Hintaying kumulo at saka ilagay ang pinutol na spaghetti pasta. Halu-haluin.
5. Timplahan pa ng asin, paminta at knorr chicken cubes.
6. Hayaang maluto ang noodles. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
7. Hayaan munang umalsa ang noodles bago ilagay ang alaska evap.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Parng natatandaan ko nga yung Royco kuya hehehe.

P. S. Pag nagluluto ako ng sopas dito at nilalagyan ko ng evap, "weird" daw sabi ng asawa ko. Hehehe. Pero keber lang basta para sa akin ay masarap yun!
Dennis said…
Hahahaha.....ibig bang sabihin nun magkasing tanda tayo? hehehe...joke.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy