KOREAN PORK STEW ala DENNIS
Malapit na ang Pasko. Alam ko marami sa atin katulad ko ay nag-iisip na kung ano ang masarap na ihanda sa Noche Buena at Media Noche. Until now wala pa din akong menu para dito. hehehe
Mahirap naman talagang isipin ito. Syempre iko-consider natin yung mga gusto ng miyembro ng ating mga pamilya at ang budget din na ating gagamitin.
Sa palagay ko, itong dish natin for today ay pwede nating i-consider sa halip na ham. Kahit naman kasi anong araw pwede tayong kumain ng hamon. Ito kasing dish na ito ay parang ham din, manamis-namis na maalat-alat ang lasa nito. Isa pa, madali lang itong lutuin.
KOREAN PORK STEW ala DENNIS
Mga Sangkap:
about 1.5 kilo Pork leg (yung upper part na medyo malaman)
2 thumb size grated Ginger
1 cup Sweet/Sour Red Wine
3 pcs. Star Anise
2 pcs. Dried Laurel leaves
1 head minced Garlic
1 tsp. Ground Black pepper
1 cup Sweet Soy Sauce
1 cup or more Brown Sugar
1/2 cup Pure Honey Bee
1 tbsp. Sesame oil
1 tbsp. Toasted Sesame Seeds
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pagsama-samahin ang pata ng baboy, grated ginger, red wine, star anise, bawang, laurel leaves, 1/2 cup ng brown sugar, paminta at asin.
2. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang sweet soy sauce, honey bee, at brown sugar. Hayaang kumulo hanggang sa kumonte na lang sauce at ma-coat na ang karne. Dapat maging mabilis para hindi masunog ang sauce.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang tamis at alat.
5. Ilagay ang Sesame oil bago hanguin sa isang lalagyan.
6. Ibudbod sa ibabaw ang toasted sesame seeds bago ihain.
Hayaan munang lumamig sandali bago i-slice ito ng manipis at saka ihain.
Enjoy!!!!

Comments