MARIKINA'S PORK EVERLASTING

Nabasa ko lang sa Internet ang Pork Everlasting na ito ng Marikina. Isa ito sa mga espesyal na pagkain na niluluto nila at inihahanda sa mga espesyal ng okasyon.

Madali lang gawin o lutuin ito. Ang mga sangkap nito ay halos kapareho lang ng sa Embotido. Pero ang paraan ng pagluluto naman nito ay maihahanlintulad naman sa Hardinera ng Quezon.

Masarap itong pang-ulam o kaya naman ay palaman din sa tinapay. May konti lang akong pagkakamali sa pagluluto kaya hindi naging kagandahan ang itsura nito sa picture. Sundan nyo lang ang mga sangkap at ang tamang paraan sa ibaba para mas maging maganda ang kalabasan ng inyong finish product.


MARIKINA'S PORK EVERLASTING

Mga Sangkap:
1 kilo Giniling na Baboy
1 can Vienna Sausage cut into small cubes
4 slices White Bread cut into small cubes
1/2 cup All Purpose Flour
5 pcs. Eggs beaten
2 pcs. Hard Boiled Egg
1/2 cup Raisins
1 medium size Carrot cut also into small cubes (gumawa ng pabulaklak para pang garnish)
1 large Red Bell Pepper (yung kalahati hiwain ng
1 large White Onion finely chopped
1 cup grated Cheese
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 small can Pineapple tidbits
5 cloves minced Garlic
1/2 cup Tomato Catsup
Salt and pepper taste

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay na agad ang giniling na baboy at timplahan ng asin at paminta. Hayaang maluto hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
3. Sunod na ilagay ang carrots, red bell pepper at tomato catsup. Hayaan ng ilang sandali.
4. Huling ilagay ang sweet pickle relish, pineapple tidbits, raisins at grated cheese. Halu-haluin.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin at palamigin sandali. Alisin ang natitirang sabaw o sauce.
7. Sa isang bowl, batihin ang 5 itlog at isama ang harina. Batihing mabuti.
8. Ihalo ang binating harina at itlog sa nilutong giniling. Isama na din ang white bread na hinimay. Haluin mabuti.
9. Sa mga llanera o hulmahan, mag-ayos ng hiniwang itlog, carrots at red bell pepper sa bottom ng mga lalagyan. Bahalo na kayo kung anong design ang gusto ninyo.
10. Lagyan ng tamang dami ng nilutong giniling ang mga lalagyan.
11. Maaring i-steam ito o kaya naman ay i-bake hanggang sa mabuo.
12. Palamigin muna bago itaob ito sa isang lalagyan.

Ihain na kasama ang inyong paboritong tomato o banana catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy