MY CHILDHOOD FRIED CHICKEN


Last Saturday, sumama sa kanilang school fieldtrip ang panganay kong anak na si Jake. Komo wala naman daw na stop over kung saan pwede siyang bumili ng kanyang lunch, ipinagluto ko na lang siya nitong entry ko for today. My childhood fried chicken.

Natatandaan ko nung araw, basta may picnic or kailangang magdala ng pagkain sa aking school, kung hindi adobo ay itong fried chicken na ito ang pinababaon sa akin ng aking Inang Lina. Paborito ko kasi ito.

Gusto ko ang version na ito ng fried chicken. Hindi kasi natatabunan ng kung ano-anong herbs, spices at breadings ang manok. Kung baga, ang natural na lasa ng manok ang nangingibabaw dito.


MY CHILDHOOD FRIED CHICKEN

Mga Sangkap:
1 whole Chicken cut into desired size
1/2 cup Patis
8 pcs. Calamansi
1/2 tsp. ground Black Pepper
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa patis, katas ng calamansi at paminta ng mga 1 oras. Overnight mas mainam.
2. I-drain muna ang manok bago prituhin.
3. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at pumula ang balat. Gawing katamtaman lang ang laks ng apoy para maluto hanggang loob ang manok.
4. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain habang mainit pa kasama ang paborito ninyong tomato o banana catsup.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Kuya ganyan din ang timpla ng nanay ko noon... calamansi lang at patis. Nakakamiss!
Dennis said…
Sinabi mo pa J....naalala ko tuloy ang namayapa kong Inang Lina. Sobrang miss ko ang mga luto niya..lalo na ang kanyang adobo. :(
ginawa ko po itong nung isang araw! pinambaon ko sa opisina. hehehe. salamat uli! :)
Dennis said…
Sarap Rajsh di ba? hehehe....
Joe said…
I will try

J
Dennis said…
Try it Joe....for sure magugustuhan mo din....hehehe

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy