NILASING NA HIPON - version 2
Also, sa unang version beer ang ginamit ko na alak. Dito naman ay Tanduay Ice. Masarap kasi ang lasa ng Tanduay Ice. Grape fruit ang flavor at manamis-namis ito.
Hindi naman ako nagkamali dahil masarap ang kinalabasan ng dish kong ito. Huwag kayong mag-alala. Walang trace o lasa ng alak ang dish na ito. Yung flavor ng grapefruit at lasa ng hipon lang ang malalasahan ninyo. Kung i-improve ko siguro ang dish na ito ay gagawin kong spicy ng kaunti. Siling pang-sigang siguro will do the trick. Next time.
NILASING NA HIPON - version 2
Mga Sangkap:
1 kilo medium Size Hipon o Sugpo
1/2 bottle Tanduay Ice
1/2 cup Butter
1 head minced Garlic
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang sa butter hanggang sa mag-gloden brown ang kulay.
2. Ilagay ang hipon at ang tanduay ice. Timplahan na din ng asin at paminta. Takpan at hayaang maluto ang hipon. Halu-haluin para ma-coat ng sauce ang lahat ng hipon.
3. Timplahan ng brown sugar. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Note: Huwag i-overcooked ang hipon para hindi tumigas.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments