PENNE PASTA with PUMPKIN SAUCE
My family loves pasta dishes. Yun lang hindi kami magkakapareho ng gusto pagdating sa mga sauces. Hehehehe. Yung panganay kong si Jake gusto yung may basil pesto, yung pangalawa naman na si James ay yung red ang sauce na gusto, ang bunso ko namang si Anton ay yung may white sauce. Ako mas gusto ko yung ma-cheese. Samantalang ang asawa ko namang si Jolly ay yung hindi masyadong ma-sauce.
Kaya naman kahit once a week ay itong pasta ang ginagawa naming breakfast. Kagaya nitong nakaraang Linggo, itong penne pasta with pumpkin sauce ang aking niluto. Actually, nakuha ko yung idea habang nanonood ako ng Junior Master Chef sa channel 2. But ofcourse hindi naman eksaktong gaya ang ginawa ko. Kung ano ang available sa aking kitchen ay yun lang ang ginamit ko.
Madali lang itong lutuin at matitiyak kong magugustuhan nyo din ang pasta dish na ito.
PENNE PASTA with PUMPKIN SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Penne pasta cooked according to package direction
200 grams Ground Pork
300 grams ordinary Kalabasa
1/2 cup Olive oil
1/2 cup Butter
1/2 cup Cream Cheese
1/2 cup grated cheese
1/2 tsp. Dried Basil
5 cloves minced Garlic
1 large Onion chopped
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta according to package direction.
2. Sa isang kaserola pakuluan ang kalabasa sa tubig at kaunting asin hanggang sa lumambot.
3. Isalin ang pinakuluang kalabasa sa blender. Huwag isama ang sabaw.
4. Ilagay na din ang cream cheese at olive oil. I-blender ito hanggang sa madurog ng husto ang kalabasa.
5. Sa isang kawali igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
6. Sunod na ilagay ang giniling. Timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
7. Ilagay ang binlender na kalabasa.
8. Timplahan pa ng asin, paminta at dried basil. Tikman at i-adjust ang lasa ng sauce.
9. Ilagay na ang nilutong penne pasta at haluing mabuti.
10. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang grated cheese.
Ihain na may kasamang toasted or garlic bread.
Enjoy!!!!
Note: For extra flavor, maaring i-ihaw ang kalabasa hanggang sa lumambot bago i-blender. Alisin lang ang mga parteng umitim o nasunog. With this, magkakaroon ng parang smokey flavor ang inyong pasta sauce. Thanks
This is my entry for

Comments
Ma try nga..
Salamat po sa recipe.
Visiting you from FTF.
Simple Dinner
Thanks for the visit
Dennis
Hopping from Food Trip Friday.
The Twerp and I