SHRIMP FRIED RICE

Natatandaan nyo ba yung posting ko about my name being included in a cook book na may title na "Easy Chinese Recipes" ni Bin Yinn Low ng www.rasamalaysia.com? Yes. Ito yung recipe na pina-test niya sa akin at bilang consolation inilagay sa acknowledgment ang pangalan ko.

Isa sa mga napagkasunduan namin ay ang hindi pagpo-post ng recipe nito hanggat hindi nailalabas ang cook book. At yun nga ang ginawa ko. Halos magkamukha di ba? Hehehehe

Yung first picture sa itaas ang niluto ko. Yung second pict naman ang picture na nasa cook book na kapareho nung pinadala niya sa akin before the testing.


Masasabing kong ito na marahil para sa akin ang best fried rice dish na natikman. Hindi dahil ako ang nagluto kundi masarap talaga. Para ka na ring kumain sa isang mamahaling Chinese Restaurant. Try nyo din ito. Tiyak kong magugustuhan nyo din at ng inyong mga mahal sa buhay.


SHRIMP FRIED RICE

Mga Sangkap:
5 cups Cooked Rice (mas mainam yung long grain ang gamitin ninyo)
250 grams medium size Shrimp (alisin yung ulo at balat at i-deveined)
3 pcs. Eggs beaten
1 cup Frozen Mix Vegetables (carrots, peas, corn na nabibili sa supermaket)
1 thumb size Ginger finely chopped
5 cloves minced Garlic
3 tbsp. Canola oil
1 tbsp. patis
2 tbsp. Soy Sauce
1 tsp. Sesame Oil
1 tsp. Garlic Powder
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang binating itlog sa kaunting mantika. Hintaying mabuo ng konti at gamit ang spatula o siyanse i-break ang itlog sa maliliitn na piraro. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali lagyan muli ng mantika at igisa ang luya at bawang.
3. Sunod na ilagay ang hipon at agad na isunod ang frozen mix vegetables. Halu-haluin.
4. Ilagay ang lutong kanin at halu-haluin.
5. Timplahan ng toyo, sesame oil, garlic powder at konting asin. Haluing mabuti.
6. Tikman ang i-adjust ang seasoning.
7. Isama na ang nilutong itlog at haluing muli.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

This is my entry for:
FTFBadge

Comments

Lady Patchy said…
hi Dennis, isa ang fried rice sa fav breakfast ng mag anak ko .i will surely try this
Jenn Valmonte said…
I will try this. By the way... where to buy the cookbook?

Hopping from Food Trip Friday.
Dennis said…
Hi tatess..... guaranteed na magugustuhan ito ng mga anak mo....hehehe
Dennis said…
Hi Jenn..... Nung bumili kasi ako wala pa diro sa Pilipinas so sa Amazon ako bumili. Sa Fullybook sa Gateway mall meron. Try mo...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy