STIR FRIED SPINACH in OYSTER SAUCE
Sa paglalakad ko pauwi sa aming bahay sa Cubao, may nakita akong nagtitinda ng gulay sa may sidewalk. Maraming klase ng gulay ang tinda niya. Sa pagka-alam ko galing pa yun directly from the province at masasabi mong fresh talaga.
Isa sa mga tinda na napansin ko ay itong spinach. Tinanong ko kung magkano ang kilo at bumili ako ng 1/2 kilo. Nung nilalagay na ng tindera sa plastic ang spinach marami pala kako. Pero sabi niya.."Naku kuya pag naluto na yan ay kokonti na lang.." . At tama naman siya. Yung picture sa taas ang 1/2 kilo na nabili ko. hehehehe
STIR FRIED SPINACH in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Fresh Spinanch
1/2 cup Oyster Sauce
1 head minced Garlic
1 tbsp. Sweet Soy sauce
1 tsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame oil
2 tbsp. Canola oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. hanguin sa isang lalagyan.
2. Ilagay na ang fresh spinach at timplahan ng asin at paminta.
3. Ilagay na din ang sweet soy sauce, oyster sauce at brown sugar. Halu-haluin
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Huwag i-overcooked ang gulay
5. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay ang toasted garlic sa ibabaw.
Ihain kasabay ng paborito ninyong pritong isda o karne man.
Enjoy!!!!
Comments