TENDER JUICY ALA SALPICAO
Noong kabataan ko maituturing na pagkaing mayaman ang hotdog. Tanda ko noon, kung Pasko lang o Bagong taon ako nakakakain nito. Minsan naman kapag may mga birthday.
Pero ngayon, parang pangkaraniwan na lang ang hotdog sa ating mga hapag kainan. Kahit ako hanggang ngayon ay paborito ko pa rin ito pang-almusal man o pang-merienda. Kahit ang mga anak ko paboritong almusal ito. Kaya naman hindi kami nawawalan nito sa fridge sa buong linggo.
Yun lang parang nakakasawa na din ang kung laging prito na lang ang gagawing luto dito. Kaya naisipan kong gawan ng twist ito para maiba naman at hindi maging boring ang hotdog na masarap.
TENDER JUICY ala SALPICAO
Mga Sangkap:
1/2 kilo Purefoods Tender Juicy Hotdogs (regular size cut into 1/2 inch long)
4 pcs. Egg beaten
1 head Minced Garlic
2 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Oyster Sauce
1 tbsp. Knorr Liquid Seasoning
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Canola Oil
2 tbsp. Olive Oil
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali, i-prito ang binating itlog hanggang sa maluto. Hanguin muna sa isang lalagyan. Gayatin ito ng pa-cubes kung lumamig na.
3. Lagyan ng olive oil ang kawali at i-prito ang hotdog hanggang sa maluto.
4. Ilagay ang toyo, oyster sauce at liquid seasoning. Maaring timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.
5. Ilagay na din ang chopped na itlog at haluing mabuti.
6. Hanguin sa isan lalagyan at ilagay sa ibabaw ang nilutong toasted garlic.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
:)