TINOLANG NATIVE NA MANOK
"Kay sigla ng gabi, ang lahat ay kay saya....Nag-luto ang ate ng manok na tinola....Sa bahay ng kuya ay mayrong litsunan pa...Ang bawat tahanan may handang iba't-iba....Tayo.."
Yan ang inspirasyon ko sa entry kong ito for today and Tinolang Native na Manok.
Noong araw maituturing na napaka-espesyal na putahe ang tinolang manok. Di ba nga kapag may bisita tayo noon sa probinsya, pinagpapatay pa natin sila ng manok at pinagluluto ng tinola. Ibig sabihin nun ay espesyal ang tao na kakain.
Noong araw native na manok talaga ang nilulutong tinola ng aking Inang Lina. Inuutusan niya kamin ng Kuya Nelson ko para hulihin ang aming manok na nasa bakuran lang namin. May palatandaan ang manok para makilala namin na sa amin nga iyun. Putol yung gitnang kuko ng paa nito. Hehehehe.
Na-miss ko yung tinolang yun. Kaya naman nang may makita akong native na manok na binebenta sa SM Supermarket sa Makati binili ko ito agad at itong tinolang ito nga ang nasa isip ko.
Nakakatuwa naman at parang nagbalik ang aking ala-ala nung aking kabataan. Masarap at malasa ang sabaw ng aking tinola na halos kapareho ng niluluto ng aking Inang.
Alam ko alam naman nating lahat ang pagluluto ng tinola. Gusto ko lang i-share ang ala-ala ng dish na ito nung aking kabataan.
TINOLANG NATIVE na MANOK
Mga Sangkap:
1 whole Native Chicken cut into serving pieces
1 whole medium size Green Papaya
2 thumb size Ginger
1 large Red Onion
5 cloves minced Garlic
Dahon ng sili o Malunggay
3 pcs. Siling pang-sigang
1 tsp. whole Pepper corn
2 tbsp. Canola oil
Patis or salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika. Halu-haluin.
2. Ilagay ang manok at timplahan ng patis o asin at paminta. Takpan muna at hayaang masangkutsa.
3. Lagyan ng nais na dami ng sabaw at hayaang kumulo hanggang sa maluto.
4. Ilagay ang hiniwang papaya at siling pang-sigang at takpan muli hanggang sa maluto.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang dahon ng sili o malunggay at saka patayin ang apoy.
Ihain ito habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis