CHEESY CHICKEN & TOGE SPRING ROLL

Ang lumpiang prito o lumpiang shanghai sa marami ang masasabi kong isa sa napaka-versatile na dish na naluto ko bukod pa syempre sa ating paboritong adobo. Versatile kasi ang daming pwedeng gawin dito na palaman at talaga namang masarap lalo na kung bagong luto. Sa palaman pwede tayong gumamit ng giniling na baboy na pangkaraniwan nating ginagawa, manok, isda, gulay at kahit tuna na de lata ay pwede din. Kung baga, nasa sa atin na yun kung ano ang gusto nating ilaman sa ating lumpia.

Itong lumpia dish na ito ang isa pa sa niluto ko sa dinner na inihanda ko para sa aking kaibigang si Pareng Darwin. Actually, hindi talaga siya part ng menu na inihanda ko. Kaya lang, parang nakokontian ako kung 3 dish lang ang ihahain ko. Kaya last minute ipinirito ko ang naka-prepare nang lumpia dish na ito para pang-dagdag.

Okay naman. Masarap at nagustuhan naman din ang aking mga bisita ang dish na ito.


CHEESY CHICKEN & TOGE SPRING ROLL

Mga Sangkap:
500 grams Ground Chicken
100 grams Mung beans or Toge
1 cup grated Cheese
1 medium size White Onion finely chopped
3 cloves minced Garlic
1 tbsp. Cornstarch
1 tbsp. Sesame Oil
2 pcs. Egg beaten
Salt and pepper to taste
30 pcs. Lumpia wrapper
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng mga sangkap maliban sa cooking oil at lumpia wrapper. Maaaring mag-prito o mag-steam ng kaunti ng pinaghalong sangkap para malaman kung tama na ang timpla.
2. Balutin ng lumpia wrapper ang ginawang palaman ayon sa nais na laki. Lagyan ng tinunaw na cornstarch o binating itlog ang gilid ng lumpia wrapper para madikit at hindi bumuka sa pagpi-prito.
3. I-prito ito ng lubog sa kumukulong mantika hanggang mag-golden brown ang kulay.
4. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain na may kasamang sweet chili sauce.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Wow kuya! Pabisita nga din diyan sa inyo hehe. Daming handa!
Dennis said…
Welcome na welcome ka sa haus ko J...hehehe. Abisuhan mo lang ako ng maaga para mapaghandaan ko ang lahat....hehehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy