GUYABANO MARINATED ROASTED CHICKEN
Kagaya ng naipangako ko narito ang na-udlot kong Guyabano marinated roasted chicken. Dumating kasi sa bahay ang hipag kong si Lita na galing ng Batangas at may dala siyang Guyabano. Ayos na ayos dahil gusto ko talagang masubukan ang lasa nitong dish na ito.
Sa bahay, ang asawa kong si Jolly at mga kids ang number 1 kong critic pagdating sa lasa ng mga niluluto. At pag simabi nila na masarap, masarap talaga. Nalalaman ko naman kung hindi masarap ang niluto ko. May mga natitira sa plato nila at yung iba naman ay tumatagal sa fridge.
In this roasted chicken, thumbs up ang hatol ng aking mga anak. hehehehe.
GUYABANO MARINATED ROASTED CHICKEN
Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Legs
1/2 of medium size Guyabano (alisin yung buto at kunin lang yung laman)
5 cloves Garlic
1 medium size Red Onion
1 tsp. ground Black pepper
1 tbsp. Rock Salt
3 tbsp. Canola oil
2 tbsp. Soy Sauce
Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang kutsilyo, tusuk-tusukin ang palibot ng laman ng manok.
2. Timplahan ito ng asin at paminta at hayaan sandali.
3. Gamit ang blender, i-puree ang guyabano, bawang at sibuyas.
4. Ibuhos ito sa tinimplahang manok at hayaang ma-marinade ng 1 hanggang 2 araw.
5.a. Kung oven ang gagamitin, ihilera ang mga chicken legs sa baking dish na may kaunting butter or mantika. Isama din ang marinade mix. Takpan ng aluminum foil at isalang sa init na 300 degrees. After 20-30 minutes alisin ang takip na aluminum foil at lutuin muli hanggang sa pumula ang balat ng manok.
b. Kung turbo broiler naman ang gagamitin, ibalot sa aluminum foil na may konting butter o mantika ang manok (kasama din ang marinade mix) at lutuin sa init na 250-300 degrees sa loob ng 20- 30 na minuto. Alisin ang ibabaw na takip at lutuin muli hanggang sa pumula ang balat.
6. Pahiran lang ng pinaghalong canola oil at toyo ang manok from time to time para hindi ma-dry.
Ihain ito na may kasamang gravy o kahit na toyo na may calamansi.
Enjoy!!!!
This is my entry @
Comments
Kung wala kang guyabano..sinigang mix na lang ang gamitin mo....masarap din. Hehehe
http://www.tropical7107islands.com/2011/11/craving-for-sea-foods.html
Uy! nag-visit na ako ha....hehehe...happy FTF!!!!